BMO 64:

218K 3.3K 107
                                    

#2M

#hello sa mga new readers and new followers..

UNEDITED...

Chapter 64:

"Nakakainis naman ito, hindi ako makaalis sa 1 na score," nanggagalaiti si Ren habang gigil na gigil hawak ang cellphone na ipinahiram ni Lily dito, naiinip na kasi ang bata, sya lang ang kausap, dahil tulog pa rin ang kasamang babae nito na nalaman nyang kakambal.

"mahirap talagang laruin yan, kailangan ng tiyaga," pang aalo nya dito, tinignan sya nito at ngumuso, ang sarap pisilin ng mamula mulang pisngi kung hindi lang talaga bawal. Kanina pa sya nangigigil sa ka cute tan ng batang ito, na kung magsalita pa parang matanda... lumayo kasi sila ng konti sa sofa kung saan natutulog si Ran, nagpatulong pa nga ito na iharang daw nila yung center table , baka daw kasi mahulog yung kakambal.

Balak naman talaga nyang gawin yun, nakakatuwa lang na naiisip rin pala ng murang kaisipan nito iyon, napaka maalalahanin nito. Bagay na very rare sa mga batang katulad nya, mayroon syang mga pamangkin, mas matanda pa at mas may isip, pero wala pumantay sa pagiging caring nito, considering na ngayon nya lang naman ito nakita.

"Ms. Lily, sino bang nakagawa ng flappy na to? Nakakainis naman tong ibon na to, ang hira hirap iiwas , sumasakit na daliri ko sa kapipindot," muli nitong reklamo..

"ganyan talaga, ako nga hanggang 20 lang ang score ko dyan eh," at pinagtatawanan sya ng mga pamangkin nya sa mababans score nay un, makailang beses syang nilaiit.

"WOW ang galing mo po!" puri nito sa kanya, napangiwi sya, masarap palang mapuri ng cute na bata, kahit na in reality worst score yun...

"what are you doing?" nagulat ito at muntik ng maibagsak ang cellphone na hawak ng lumitaw sa gilid si Ran, nagising na ito at nakatingin sa ginagawa ni Ren..

"nakakagulat ka naman, magkakasakit ako sa puso sayo," sabi nito habang nakahawak sa dibdib.

Nagulat naman si Lily ng nakataggap ito ng batok sa kapatid,

"ako ang may sakit sa puso hindi ikaw," pagsusungit nito, tumingin ito sa kanya ng nakasimangot, gulat pa rin kasi ang reaction ni Lily sa ginawa ng cute naman talaga na batang babae, kaya lang may attitude problem, naawa tuloy sya kay Ren na nakanguso na lang..

"wala pa si lolo?" tanong nito sa kakambal, bago pa man yun makasagot bumukas na yung pinto, lumitaw doon ang lolo nila at ang assistant.

Tumayo si Lily at nagbigay galang,

"nainip ba kayo kids? Pasensya at natagalan ako sa meeting," first time makita ni Lily ang soft side ng CEO nila kaya naman, manghang mangha sya dito, kung hindi pa sya pinadilatan ng assistant na ito, hindi sya mababalik sa katinuan.

"sir, I'll be going na po," paalam nya dito para bumalik sa kanyang posisyon. she was dismissed after magpasalamat ng Don, pero bago yun tinanong muna sya kung hindi daw ba sya nahirapan.

Kung ano ang ibig sabihin nito , ay wala syang konkretong idea.

"wala naman po, natulog lang po si Ran, at nakipagkwentuhan ako ng konti kay Ren,"

"ganoon ba, okay salamat,"

"paano kid let's go," bumaling na ito sa mga apo na mukhang kanina pa naiinip sa for corners ng office, humawak muli ang mga ito sa magkabilang kamay ng kanilang lolo.

........................................................................................................

Si Cruz ang nag research kung saan nya pwedeng dalhin ang kanyang mga apo para malibang, pumunta sila sa malaking mall, dalhin nandoon na ang lahat ng pwedeng gawin, kahit ayaw nya ng crowded na lugar at maingay, he have to endure ito for the sake of the twins. Gusto rin naman nya talagang makabonding ang dalawa.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon