BMO 9: disconnected

250K 2.6K 38
                                    


Nine: disconnected

Jett received a call from his Lolo, umuwi daw sya sa mansion, meron daw silang pag- uusapan.

Nag aalangan man,  hinanda nya pa rin ang sarili, he knows that he will ask him about Amanda, pero buo na ang loob nya na ipagtanggol ang girlfriend no matter what.

He will disobey his grandfather  kung kinakailangan talaga.

"Si lolo?"  Tanong nya sa kanilang mayordomo, pagkapasok ng mansion, hindi ito sumagot bagkus pinatuloy lang sya sa loob.

Para bang walang narinig.

He's also annoyed dahil  dumoble yata ang mga body guard sa labas, dati nasa pito lang ang bantay sa bahay , kasama na yung personal bodyguard ng lolo nya, pero ngayon nasa kulang  dalawampu na sa kanyang tantya.

"Mr. Cruz, may death threat ba sa buhay ni lolo?" hindi nya maiwasang di magtanong, syempre concern sya sa lolo nya, lolo nya parin yun kahit may mga bagay silang hindi pinagkakasunduan.

"Sa kabutihang palad, wala po, bakit nyo naman po natanong?"

Tinuro ni Jett yung mga body guard sa labas.

"Bakit ang dami nila?"

Nakita nyang bumuntunghininga ito, sasagot na sana pero biglang nagring ang phone.

"yes sir, he 's here, opo, I understand, thank you po." Yun lang yung narinig ni Jett bago matapos ang tawag.

"Anong sabi nya?"

"Hintayin  nyo nalang daw po siya, gagabihin daw po kasi sya because of a business meeting," Napakunot naman ang noo ni Jett, nagmadali pa naman syang pumunta dito because he believe na nandito ito at makakausap nya agad.

"If that's the case, babalik na lang ako mamaya, ring me up kapag nandito na sya or pauwi na sya."  Bilin nya bago tumalikod, kinakabahan sya, bigla bigla gusto nyang makita si Amanda, kagabi nya pa kasi ito huli nakausap, tapos kanina , di pa sumasagot sa kanyang mga tawag at text.

Syempre he is damn worried, paano kung may masamang mangyari? Huwag naman.

"But youngmaster, kabilinbilinan po ng lolo nyo na dito lang daw po kayo. Hintayin nyo raw po ang kanyang pagdating."

Salubong ang kilay na hinarap ito na Jett.

"I don't care, kung ano ang bilin nya, basta't aalis ako, and you can't stop me!" Galit na sagot niya dito.

"I'm sorry, if I can't." Huminto ito, nakarinig sya ng mga yabag, pagpihit nya, ang mga kinaiinisan nyang mga bodyguard nasa likod nya na, nakaharang.

"If I can't stop you, they will." binigyan nito ng order ang mga bodyguard, sabay sabay ang mga itong  lumapit at hinawakan si Jett, although he knows martial art and he did his best para makawala, ano nga naman ang panama nya sa mga expert, and in the end, nakita nya na lang ang sarili nya na bumagsak sa kamay ng mga ito.

May pinaamoy sila sa kanya na nagpahina sa kanyang katawan at unti -unting umagaw sa kanyang ulirat.Lakas naman ng loob nila na bugbugin ang nagiisang apo ng kanilang boss.

"Pakidala sya sa kanyang silid, kailangan natin siyang itago kahit ngayon lang." Iyon ang kanyang huling narinig bago tuluyang mawalan ng malay.

......

Nagising si Jett na masakit ang kanyang ulo.

"Shit what happened?" He asked himself, habang hinihimas ang ulo, nakahiga sya sa sariling silid. Pilit niyang inaalala ang nangyari bago sya mauwi rito sa kanyang kwarto. Hinarang sya ng mga bodyguard at pinigilang umalis, after that wala na talaga , blangko.

"Gising na po kayo."

Nagising ang kanyang galit ng makita ang mayordomo sa may pintuan , nakayuko, gusto nya sana itong suntukin, pero matanda pa rin ito, kahit paano,ginagalang nya ito.

"Anong ginawa nyo sa akin, paano mo nagawa yun!"sumbat nya dito

"I'm sorry youngmater, sumusunod lang po ako sa utos ng lolo nyo."

Oo nga nman , pero di sya santo para hindi makaramdam ng galit, "Kapag namana ko na ang kayamanan ni lolo, ikaw ang una kong tatanggalin!" sumbat nyang muli.

"Wala po akong magagawa kung iyan ang inyong gusto," nakayuko pa rin ito, nakunsenysa naman sya bigla sa sinabi. Naging mabait naman ito sa kanya sa haba ng serbisyo nito sa kanilang pamilya.

Di naman sya ganito dati, galit lang talaga sya, lalo pa nga't alalang- alala sya kay Amanda.

"Shit!" mura nya ng biglang maalala ang girlfriend.

Agad syang bumangon, di na nag abalang magbihis at tumakbo pababa, buti at nasa bulsa pa rin ang susi ng kotse, buti na lang wala na rin ang mga body guards.

"Gaano katagal ba ako nakatulog?" tanong nya sa sarili.

Pero hindi na sya nag -abalang itanong pa sa kung sino man ang makasalubong nya, gusto nya lang makita si Amanda.

He dialed her number habang nagda-drive , cannot be reached ang numero nito.

Kinakabahan nya sya lalo. Nagkatotoo nga ang  kanyang hinala once he reach her home.

Walang Amanda na sumalubong sa kanya nang pumasok siya sa loob  ng bahay, nilibot nya lahat, hinuli nya ang kwarto, kasi umaasa pa rin sya, na sana nandun si amanda, kahit umiiyak, basta nandun lang.

But when he opened the door, wala ito at higit sa lahat wala rin ang iba nitong mga damit.

Wala man lang sulat kung nasaan ito.

Di nya maipigilang sumigaw at umiyak.

"Di ba I told you to never leave me?"

......................................................................

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon