BMO 29: tie

251K 3K 161
                                    

BMO 29: TIE

Kulang ang salitang balisa para idescribe ang nararamdaman ni Clem. Hindi ito simpleng bagay na magiging sapat lamang para mailarawan ng salitang yun.

Para sa kanya ang salitang balisa ay magaan lamang, hindi nito na jujustify ang isang pakiramdam, dahil higit pa doon ang nararanasan nya, naiihi sya, nasusuka,kahit man sana ngayon gusto nyang makalimutan lahat ng bumabagabag sa kanya mula ng mareceive niya ang tawag kaninang umaga. Kanina pa sya kilos ng kilos, pinagluto nya si Jett, binigyan ng breakfast in bed, nakipagkulitan dito hanggang sa pumasok sa utak nya na subuan ito, nakakahiya man, pero laking gulat nya ng pumayag ito...

Pumayag ito sa kakulitan nya, kahit nakita na nito si Amanda?

Ano ba talaga Jett ang gusto mong mangyari? Tagumpay ka na sa pagpapakahirap sa akin, ang sakit sakit na kasi?

Unknowingly may luha na namang tumulo sa kanyang mata, pinahid nya ito agad iniling ang ulo, bahagyang binatukan ang sarili.. Nangako sya sa sarili, kaninang umaga, na hindi na muna sya iiyak, muling iiyak lang sya sa oras na iiwan na nya si Jett, at yun na ang magiging huli.Kasi pag katapos noon magiging masaya na sya, hindi na sya makakaramdam ng sakit, makakasama nya pa ang dalawang mahal nya sa buhay.

Pagod na rin naman sya...Pero sa ngayon, parang hindi pa sya napapagod gumalaw ng gumalaw sa loob ng bahay na nito. May nakasalang pa sya na laundry, nag vavacuum din sya ng carpet sa living room, pabalik balik sya sa ginagawa, pagkatapos magvacuum, pinunsan nya yung mga frame, iilan lang naman yun, picture ni Jett mula pag kabata, at yung isa na nasali ay yung kuha nito at ni Amanda na sweet na sweet, kuha yun sa kama ni Jett, gulo gulo ang buhok ng mga mga ito, habang nakatakip ang mga katawan ng puting kumot, hindi na kailangan itanong kung ano ang nangyari bago kunan ang eksenang yun, nasa harap nya na, hawak nya na.

Saka isa pa hindi na naman sya kahapon pinanganak.Sa sama ng nararamdam nya, gusto nya sanang ibato ang frame na yun, pero ano nga bang magiging silbi noon? She's aware na hindi naman mababawasan nun ang sakit.

Agad nyang binitawanang frame ng marinig ang pagpihit ng pinto, wala namang multo na magbubukas ng pinto , syempre si Jett lang ang kasama nya sa bahay. Maswerte na rin sya dahil hindi nahulog ng nanginginig na kamay nya ang frame...

"Aalis ka ba?" di maiwasang tanong nya, pero sa himig na tinatanong ng isang katulong kung kailangan bang ipagluto ang amo ng lunch o hindi.

Hindi bilang isang girlfriend o may bahay.

Kasi baliktarin man ang mundo, malabo yun mangyari, sa panaginip nya lang nag eexist ang mga ganoong bagay.

"Oo. Pupunta akong office, lolo's assistant called," sabi nito habang inaayos ang necktie...ang gwapo gwapo talaga nito sa suot kahit malayo sya ng ilang dipa dito, amoy na amoy nya ang mabangong amoy nito. Nag ipon sya ng maraming lakas ng loob saka mabilis na lumapit dito, tumayo sya sa harapan nito at hinawakan ng neck tie na nasa mga kamay nito...

"Ako na, tulungan kita." hinayaan naman sya nito, busy sya sa pag aayos sa necktie nito, yun ang gusto nyang iparating kay Jett, para hindi nya mapansin na kinakabisa nya ang bawat features nito, na kung nakatayo sya hanggang saan sya aabot. Ayaw nya sana itong tignan, malapit na kasi syang matapos, pero parang hinila ang ulo nya para tingalain ang magagandang mata nito na unang nagpabighani sa kanya. Muli nyang pinasadahan ang dibdib nito at nagbigay ng isang ngiti, gusto nyang matandaan kung gaano kasabik ang mga kamay nya na hawakan yun, di pa rin nagbabago...

Sadyang di parin nagbabago. Present pa rin yung boltahe ng kuryente na nagpapaexcite sa kanya dati, yung kuryente na nagpalubog sa kanya, yung kuryente na dahilan kung bakit nasasaktan sya ngayon....

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon