BMO 36: kick

280K 3.6K 206
                                    

unedited/masanay na...

busy much...

wala pong magtataas ng kilay...

masyado akong busy para ibaba yan..hahaha..

ON GOIN..

KAYA I EXPECT B TIN..

..............................

CHAPTER 36: KICK

"congratulations!" yun ang bungad kay Clem ng mga ka officemates nya pag pasok nya, nagulat talaga sya ng may hinanda pa silang pop balloon para sa kanya...parang pamilya na kasi ang turing nila sa isa't isa, tatlong taon na rin sya dito sa kumpanya na ito... kaya ang maka kuha ng ganitong project ay achievement talaga, after kasi ng second year college nya, huminto sya dahil sa pag bubuntis, tapos naman kailangan nyang magtrabaho para pantustos pagkapanganak, mahirap magpalaki ng bata... at talaga nga naming mahirap... pero maswerte pa rin talaga sya, parang may mga tao kasi na dumadating at tumutulong sa kanya, mga tao na pamilya ang nagiging turings a kanya...after three years nagpatuloy ulit sya sa college, pasingit singit sa schedule, himala nga at nalampasan nya yun, ibayong tiyaga lang talaga...kaya nakuha nya rin ang diploma sa Marketing Management..

"maraming salamat sa inyong lahat, kundi dahil sa tulong nyo, hindi ko mapipilit si Ms. Buham," iyon yung pangalan ng client na mahirap I please, byuda na ito, tapos yung anak na babae special child, nagpa renovate ito ng dalawang branch ng hotel, at ang kanilang kumpanya ang isa sa mga sumubok para makuha ang projects na ito... madaming demand ang madam, sobrang sungit pa, at hilig mag walk out kapag may hindi magustuha sa presentation, kaya yung iba, nag siatrasan nalang, pero hindi sya, hindi ang pagpapahiya nito ang magpapasuko sa kanya, marami syang naranasan na mas nakakahiyang bagay kaya mani nalang iyon, hindi nya alintan ang maghintay ng 10 oras sa opisina o maging sa bahay nito, para lang siyang nanliligaw sa matamis nitong oo...pero hindi sya sumuko, hindi sya nagpatinag...kailangan nyang patunayan sa lahat sa kanilang department na hindi sila nagkamali sa pagpili sa kanya, saka isa pa may kailangan syang patunayan sa sarili nya... at nagawa nya nga... napakatibay nya na, isang araw bigalng bumukas ang office ng madam at pinapasok sya....isa lang ang sinabi nya eh...

"talk!" iyon lang na katagang yun, and talk she did, while presenting all the designs, taas baba ng kilay, pag tap sa mesa gamit ang right index finger, panaka nakang pag aayos ng salamin....

After her presentation, humaba na ang sinabi nito... hindi na talk... kundi..

"when can I sign the contract?"

Hindi nya nay un pinaulit, nakahanda na agad yun, ayaw kasi ng madam ang inuulit ang sinasabi...bagay na natutunan nya sa pagmamasid sa ugali nito....

Tapos pag uwi nya sa bahay sasalubungin sya ng mahigpit na yakap ni Ren, na may matunog na halik sa dalawang pisngi, ito din ang mag aalis ng shoes nya para masahihin ang paa...

"dito ba masakit honey?"

"didiinan ko pa ba o tama lang?"

Sa mga sinasabi lang nito, napapawi na yung pagod nya, lalo na pag hinahaluan ng pag lalambing, indeed naman nito sa kanyang lolo, ganun kasi ang daddy nya....

"sus, magaling ka talaga, di nagkamali ang management ng ikaw ang pahawakin sa project nya yan, biruin mo, napag pasensyahan mo ng lubusan yung ugali ng perfectionist na madam na iyon?" nabalik sa reyalidad ang kanyang isipan sa komento ni Joan, kasing edad nya at kasabayang pumasok sa kumpanya...

Ngiti na lang ang sinagot nya sa mga ito at pasasalamat, hindi naman sya pinilit pa na manlibre ng mga ito, naiintindihan naman ng mga ito ang estado nya bilang single mother.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon