BMO 12: his birthday

262K 2.8K 83
                                    

CLEM

"Clayanne, saan ka nakakuha ng pambili ko ng mga gamot?" Alam kong hindi palalampasin ni mommy na tanungin ako , alam nya dahil kaunti lamang ang kinikita ko sa aking trabaho.

"Naibenta ko na po yung lupa natin na natitira, doon po ako kumuha." Pagsisinungaling ko, mas lumungkot ang histura ni mommy. I hugged her and tell her that everything is under my control. Ang alam nya lang pala pinautang kami ng lolo ni Jett, hindi nya alam ang consequence noon at ayaw kong sabihin dahil baka lalo syang mag-alala.

Pero ramdam kong nagtataka rin sya kung bakit di na dumadalaw si Jett, I always made an excuse that he was just busy.

Luke helps me, lagi syang pumupunta kay mommy, minsan kasama si PJ, kahit papano naaaliw si mommy sa kakwelahan ng dalawa na yun.

Magmula nang pumupunta ang magkaibigan, maraming nang nag-approach sa akin, mga nurse man o pasyente na ipakilala ko daw sila sa dalawa. Ang iba naman nang- uusisa kung boyfriend ko daw ba.

Natatawa na lang ako.

Under observation pa rin si mommy kaya pabalik balik sya sa hospital, and I decided na sa ospital na lang muna sya.

Mahirap na,

I am hiding my work from her, nag resign na ko sa restaurant.

Sa una mahirap ang unang linggo, nandoong makabasag ako, nahihiya ako sa suot ko, nahihiya rin akong may makilala sa akin, minsan napagpalit ko ang mga order ng customer, mapagalitan. Pero I am a fast learner, I always think positive, kailangan naming mabuhay ni mommy, kailangan ng pambili ng kanyang gamot at hindi makakatulong kung mahihiya ako.

Kaya kinain at iniwan ko sa bahay ang lahat ng hiya sa aking katawan.

Everytime nasa SYSTEM ako, yun yung pangalan ng bar/resto/club na pinapasukan ko, binago ko rin ang sarili ko, hindi naman ako ganun makikilala everytime sout ko yung wig na pink na hanggang shoulder ang haba, ibang iba ang itsura ko, tinuruan din nila ako mag make up ng tama, kung paano ang technique sakaling ayain kaming uminom, kunyari umiinom kami pero pasimple naming yung iluluwa.

Noong una naiyak ako ng biglang may humipo sa pwet ko, sobrang nagulat talaga ako, pero ngayon alam ko na kung paano umiwas at makipagsukatan ng tingin sa customer na hindi ako bayaran , I thank Jean, Pie, Ella and yung iba ko pang co workers, minsan , o madalas rather nila akong pinagtatanggol sa mga bastos.

Malaki nga ang kita ko, kaya lang sobrang pagod, pero kaya pa naman kahit paano may time pa naman akong mag -aral.

Bago ako pumunta kay mommy, kailangan ko munang maligo, mahirap na baka mapansin nya, tiyak na magtatanong yun and worst, naisin nya na lang ang mamatay imbes na magtuloy ako sa trabaho ko.

......................................................................................................

"Ano yan? Para sa akin ba yan?" usisa ni Luke.

"Kahit kailan talaga kabute ka no, lago ka na lang sumusulpot,"

"Ganyan talaga, pag gwapo," sabi nya na nag Mr. Pogi pa, natawa na lang ako.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo?"nag pout ang loko, napikon yata.

"Sinusubukan ko nga eh, pipaalala mo naman, ang sama mo talagang kaibigan."

may pagtampo pang nalalaman...

"Ito naman hindi na mabiro.."

"Ano nga yan?"

Tinuro nya yung regalo na hawak ko, tinago ko na rin sa bag, piang- ipunan ko rin yun, nag alalangan akong bilhin pero in the end binili ko pa rin. Hindi ko talaga say matiis, birthday ni Jett bukas, ang problema ko naman ngayon kung paano ko to ibibigay, at kung maibigay ko, gagamitin nya kaya? Or itatapon nya lang?

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon