Chapter 15: Ang Ibang Tugtog

3.2K 107 11
                                    

"The moon looks upon many night flowers; the night flowers see but one moon."

~Jean Ingelow

HINDI MAKITA NI KM ang taong nag-aabot ng kamay sa kanya. Nakatayo ito malapit sa isang puno. Wala siyang ibang makita kundi kulay puti. Nasaan siya? Sino ang taong nakatayo sa may puno? Humakbang siya palapit. Naaninag na niya ang babaeng nakangiti sa kanya, nakaamang ang dalawang kamay nito. Tumakbo siya papunta sa kanyang ina.

            Malapit na siya nang biglang may humawak sa kanyang paa. Hinihila siya pababa. Ang puting semento ay unti-unting naging tubig. Bumulusok siya pailalim kasabay ng isang malabong tinig, you can not die!

            Paul! Mula sa kawalan, nabigyan siya ng lakas para lumaban. Tinatawag siya ni Paul. Alam na niya ang mga kasagutan. Hindi siya makahinga, parang sinusunog ang kanyang baga. Umakyat siya pataas... pataaas nang pataas. At nagmulat siya ng mga mata.

            Isinuka niya ang tubig na nainom at umubo. Inilibot niya ang paningin, nasa sampung katao ang nakalibot sa kanya. Nasa harapan niya ang basang-basa at humihingal na asawa. Makikita ang relief sa mukha nito at... takot?

            "KM," anang asawa at niyakap siya. "Don't you do that again. Don't scare me like that," pagalit na saad nito. Ramdam niya ang pagkislot ng mga kalamnan nito.

            Naalala niya ang nangyari. Ang pagligo niya sa dagat, ang paghahanap niya ng mga kasagutan, ang kasagutan na natamo niya... at ang kanyang pagkalunod.

            Paano kung hindi siya nahanap nila Paul? Bigla siyang nanlamig at nanghina sa naisip. Yumakap siya sa asawa, umamot sa init ng katawan nito. Nawala na ang mga taong nakapalibot sa kanila pagkatapos may iutos ang kanyang asawa. Tinignan niya ang mukha nito, samu't-saring emosyon ngayon ang naglalaro sa mga mata nito.

            Hinaplos niya ang mukha nito. "Paul," marahang tawag niya rito. Tumingin ito sa kanya. "Masaya a-ako," aniya, may bumikig sa kanyang lalamunan.

            "Masaya ka na muntik nang mamatay?!" galit na tanong nito, nakalapat ang mga nag-iigting nitong mga labi.

            Umiling siya, hindi mapigilan ang pagluha. "H-hindi, Paul. Masaya ako kasi... kasi alam ko na ang totoo. At hindi ko kakayaning m-mawala na hindi ko iyon nasasabi sa'yo."

            He hushed her. "I'm sorry. I don't mean to yell at you. Tinakot mo lang ako, promise me not to do that again, will you?" he said and hugged her again.

            She nodded. "Yes," she said, adoring the warmth coming from him.

            Doon dumating ang cart ng isla. Binuhat siya nito at sinakay doon. Papagabi na, lumubog na ang araw ngunit para kay KM, sumisikat pa lamang ang puso niyang galing sa paghimlay. Hindi siya binitawan ni Paul. Nakayakap lamang ito sa kanya na animo mawawala siya rito.

            Binuhat siya nito paakyat sa kanilang kwarto. Kumuha ito ng roba at ibinalot sa kanya.

            "Tanggalin mo na ang damit mo," utos nito.

            Nanlaki ang kanyang mga mata. "B-bakit?"

            Nagsalubong ang mga kilay nito. "Stupid. Mag-shower ka ng maligam na tubig para hindi ka mapulmonya," anito at pumunta sa loob ng banyo para ayusin ang panligo niya.

            "Himalang gentleman siya ngayon," bulong niya sa sarili, muling nag-flashback sa kanyang diwa ang mukha ni Paul, ang natatakot nitong mukha.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon