Chapter 11: The Awakening

3.2K 107 15
                                    

"I woke up one morning thinking about wolves and realized that wolf packs function as families. Everyone has a role, and if you act within the parameters of your role, the whole pack succeeds, and when that falls apart, so does the pack."
~Jodi Picoult

KATATAPOS MALIGO NI KM. Pinapatuyo niya ang buhok habang nakatingin sa salamin. Nakaluto na rin siya at hinihintay na lamang ang asawa. Ano kaya ang reaksiyon ni Paul sa kanyang regalo rito? Malamang namumula na iyon sa inis sa kanya, o baka kinikilig na ito ngayon.

            Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya para hintayin doon si Paul. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan ng asawa. Naroon na naman ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib.

            "Why did you do it!" bulyaw nito sa kanya, inuhan siyang batihin ito.

            "Ano'ng ginawa ko?" pagmamaang-maangan niya.

            Inilabas nito ang cellphone nito. "The ringtone."

            Ngumiti siya. Iniwan niya ito at pumunta sa dining area. Sinundan siya ni Paul. "Nagustuhan mo?"

            "Nagustuhan? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pakialaman ang cellphone ko?"

            "Ako. Regalo ko iyon sa'yo sa monthsary natin," aniya.

             "Woman, what will I do to you?" Hinilamos nito ang kamay sa mukha. Then he bit his lower lip while looking at her. It was so sensual that made her throat dry in anticipation. His eyes were mesmerizing her, clouding her reasoning and she was drowning to his enormous sex appeal.

            He was thinking, KM. Get on with your senses. He sauntered slowly and his gaze never left her.

            "Ano 'yang nasa isip mo?" aniya habang paatras na nakarating sa dirty kitchen. Wala na siyang maatrasan dahil nasukol na siya nito sa may lababo.

            "You vicious naughty woman, I wonder what would it feel to wring your lovely neck, but you're too lovely for that. What you need is a dose of your own medicine."

            Bago siya makapagsalita, kinabig nito ang kanyang baywang at naramdaman niya ang labi nito sa nakaawang niyang labi. Mainit. Mapusok. Mapag-angkin. Nahalikan na siya ng dati niyang kasintahan ngunit hindi sa gantinong paraan at hindi sa ganitong intensidad. Gulat na gulat siya at hindi siya makagalaw.

            Akala niya ay overrated lamang ang deskripsiyon ng isang halik sa mga pocketbook at pelikula, ngunit totoo pala iyon. Pakiramdam niya nagsabog ang kalangitan ng mga bulalakaw. Akala niya ang halik ay simpleng pagsasalubong lang ng dalawang labi, ngunit mas malalim pa pala iyon. Hinahalikan siya ni Paul nang may pangangailangan, may pag-imbot na dito lamang niya naramdaman.

            Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sarili na namnamin ang matamis nitong labi. The smell of his breath was a combination of his natural musk and a sweet dandelion. It made her dizzy with desire. Sinabayan niya ang ritmo ng halik nito. Napa-ungol ito.

            "Ooh, woman, you're driving me crazy," he said as if someone was torturing him.

            Hinahabol nila ang paghinga, akala ni KM tapos na iyon nang maramdaman niya ulit ang mga labi nito. Binuhat siya nito at inupo sa malamig na kitchen counter. Nakapulupot ang kanang kamay nito sa kanyang bewang habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang dibdib. He fondled her breast. She was delirious by the warmth coming from his hand and the heat spreaded to her whole body like a raging fire.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon