"The faults of a superior person are like the sun and moon. They have their faults, and everyone sees them; they change and everyone looks up to them."
~Confucius
"FOLLOW YOUR HEART. Kung ano talaga ang gusto mo, iyon ang sundin mo."
"Paano kung hindi naman magiging masaya ang mga taong nakapaligid sa'yo? Susundiin mo pa ba ang puso mo?" tanong ni Mayan
"Sometimes we tend to please all the people around us. The sad truth is we can never please them, Mayan. Sasabihin nila sa iyong mali ito, mali iyan. Hanggang sa huli, namalayan mo na lang isang araw, sila na pala ang nagpapatakbo sa buhay mo. Palagi tayong may choice sa buhay, Mayan. Kung gusto mong maging masaya, go for it. Ngayon kung pakiramdam mo tama sila at may rason sila para hadlangan ka, you wouldn't risk losing them. It will always be your choice."
"Salamat, ate KM," ani Mayan.
Mayan's smile touched her soul. That sense of belongingness was one thing she was yearning before. And little by little, she was earning it.
Naputol ang pag-uusap nila nang tawagin sila ni Paul. Dagli nilang kinuha ang mga gamit at lumulan sa sasakyan. Pagkasakay agad na pinagtugtog ni Mayan ang playlist nito sa cellphone. Sinabayan niya si Mayan sa pagbirit ng I Got A Boy ng Girl's Generation.
"Can you please pull that off, Mayan!" Paul snapped.
"Ang KJ mo talaga, Kuya."
"Ba't ba gustong-gusto niyo iyan? Hindi niyo naman naiintindihan ang lyrics. You're already 23 for Pete's sake!"
Nakabusangot na kinuha ni Mayan ang earphone nito at tahimik itong umindak sa sariling mundo. Tahimik niyang tinignan si Paul. Gustong-gusto niyang pinagmamasdan ang mukha ng asawa.
"What?" tanong nito nang makitang nakatingin siya rito.
"Noong unang pahanon, may isang hari na nakatira sa isang napakagandang palasyo kasama ang tatlong dalagang anak. When the queen learned that the second princess wasn't her own, she casted her away from the castle. And the King and other princess watched her go away. Ipinang-utos ng reyna na ipapatay siya oras na nagpakita siya. Kaya naman nagtago siya, humihiling sa Haring Araw na bigyan siya ng makakasama sa buhay para ipagtanggol siya. Araw-araw siyang humihiling. Ngunit hindi pinagbigyan ang mga kahilingan niya." Huminto siya, huminga nang malalim.
"What happened next?" Paul asked.
"The soldiers of the castle found her. Handa na siyang patayin nang sa kauna-unahang pagkakataon biglang dumilim. Nakapagtago siya at hindi na kailan man nahanap. Wala siyang ibang kasama kundi ang buwan. Ang buwan na gumabay at nagkanlong sa kanya sa kadiliman."
"Why are you telling me this?" he asked.
She looked at him and for a couple of seconds they had their world, their own dimension, "Because you are my moon."
Walang bumitiw ng tingin sa kanila, at hindi niya napigilan ang sariling hinaplos at kinurot ang pisngi nito.
"Kung ayaw mong mabangga, tanggalin mo ang kamay mo," anito.
Ngumiti siya at nagkibit-balikat. Tumingin siya sa bintana at pinalipas ang oras sa pagtingin sa mga tanawin sa labas. Pagkalipas ng mahigit dalawang oras nakarating na sila sa Calatagan, Batangas.
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
DragosteISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...