"I guess I'm pretty much of a lone wolf. I don't say I don't like people at all, but, to tell you the truth, I only like it then if I have a chance to look deep into their hearts and their minds."
~Bela Lugosi
FULL MOON. PUMASOK si KM sa portico. Nilingon niya ang grand piano kung saan sila nagtalik ng kanyang asawa nang paulit-ulit. May pintuan sa kaliwang bahagi ng porch. Binuksan niya iyon at sinalubong siya ng sariwang hangin.
Masaya niyang idinipa ang kamay at sinamyo ang hangin. Nasa itaas siya ng bundok. At kitang-kita niya ang kalangitan, ang dagat at ang paghampas ng alon nito sa batuhan, ang mga villa, at ang restaurant. Napakaganda ng Puerto Azul. Kung wala lamang inaalala ang asawa na trabaho, isusuhestiyon niya ritong doon na lamang sila tumira.
Patuloy siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa dulo niyon, may malaking bato sa kanyang tabi, humawak siya roon at tumingin sa baba. Napaatras siya dahil sa mga naglalakihang bato sa ibaba ng bangin. Tinignan niya ang kalawakan saka humiga sa damuhan.
Tinignan niya ang buwan. "Salamat," aniya sa buwan at ngumiti. Hinding-hindi siguro siya magsasawang tignan ang buwan. Napakaganda nito.
"Ang lalim ng iniisip mo."
Nilingon niya si Paul na humiga rin sa tabi niya. Last night was a revelation. Making love to her husband was the best moment they had done so far. It wasn't just sex. It was more of connecting, knowing him, exploring his secrets and actions. Kapag naaalala niya ang mga naging tugon niya, namumula siya sa hiya. Kagaya ngayon.
"Iniisip ko lang kung may langgam ba sa langit?" tugon niya.
He chuckled. "Siguro."
"Talaga? Ibig sabihin may mga bubuyog din sa langit?" natatawang tanong niya.
"Bakit gustong-gusto mong tinitignan ang buwan?" tanong nito kapagdako.
"Paano mo nalaman?"
"Sinabi ng Papa at kapatid mo," sagot nito.
Tumango siya, malamang sinabi na naman ng mga ito na kakaiba siya. "The moon reminds me of my mother. Siya ang karamay ko sa buhay. Lumaki akong walang ama ngunit hindi naging rason iyon para hanapin ko siya, pinunan lahat iyon ng nanay ko. Minahal ng nanay si papa. Ipinagbubuntis na niya ako nang malaman niyang may asawa pala ito. Nagpakalayo-layo siya at pinalaki akong mag-isa. Pero nawala siya sa akin noong sampung taon ako." Huminto siya, may bumikig sa kanyang lalamunan.
Hinawakan ni Paul ang kanyang kamay. Pinunasan niya ang luhang umalpas.
"Breast cancer. Para akong mamatay noon. Doon nagpakita ang aking ama at kinupkop ako. Para akong leon na inilagay sa isang carnibal, hinahanap ko ang tunay kong tahanan. Pero nakisama ako sa abot ng aking makakaya."
"Why do you keep talking to the moon?" he asked.
"Noong buhay pa ang nanay palagi niyang sinasabi sa akin na buhay ang buwan, na maaari itong kausapin kapag kabilugan ng buwan. Nagkabukas daw ang mga mata nito at nakatingin sa mundo natin, binibigyan ang mga kahilingan ng mga taong may gusto sa buhay at desididong makuha iyon. Sabi ng nanay bago siya namatay, kausapin ko lamang daw ang buwan kapag nalulungkot ako at kapag naaalala ko siya."
"I'm sorry," anito at hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay.
"It's okay. Alam mo noong bata ako may itinurong salita sa akin ang nanay. Banggitin mo lamang ito kapag kabilugan ng buwan, saka mo ipikit ang mga mata at isipin ang iyong hiling, magkakatotoo ito. Subukan natin?"
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
RomanceISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...