"I think I have a dark view of the world. I have to make everything funny, otherwise it all seems so sad."
~Anonymous
NAGMULAT NG MATA si Paul. Ang pagal at takot na nagdaan sa kanya kagabi ay milagrong hindi niya maramdaman ngayon. Kadalasan nang hindi maganda ang pakiramdam niya kapag bagong gising siya galing sa mahabang pakikipaglaban sa kanyang bangungot. Ngunit iba ngayong araw na ito.
Tila may dalawang kamay ang kumuha sa kadena na nakakabit sa kanyang puso.
Para siyang bagong panganak, nagdidiwang sa nakagisnang liwanag.
Ibinaling ni Paul Angelo ang paningin sa kanyang katabi na nakayakap sa kanya. Bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagyakap nito sa kanyang nanginginig na kalamnan, ang mga haplos nito sa kanyang katawan, at ang mahimbing nitong pag-awit na tila pumapawi sa mga pangit niyang karanasan.
Salamat, iyon ang gusto niyang sabihin ngunit nakulong lamang iyon sa kanyang lalamunan nang mapagmasdan niya ang mahimbing na pagtulog ng kanyang asawa.
Napakaganda nito. At gusto niya itong hawakan, gantihan ang kabutihang ginawa nito sa kanya kagabi. Gamit ang kaliwang kamay, marahan niyang hinaplos ang pisngi nito na kasing lambot ng bulak, ang talukap ng mga mata nito na parang sa kerubin, ang ilong, at ang labi nito na animo nag-aanyaya ng isang marubdob na halik.
Salamat, iyon ang gusto niyang sabihin.
Ngunit bigla nitong imunulat ang mga mata. Huli na para magkunwari siyang natutulog dahil umangat na ang ulo nito para tignan siya.
"Good morning," she said in a rasping voice. She smiled sweetly that all will be enchanted with that gesture. His heart fluttered, right there and then he wanted to kiss her. Sinasaad ng puso niya gumanti ng ngiti rito, na halikan ito, ngunit nagbigay ng babala ang kanyang utak. Tila iyon batang nagtatampo dahil hindi niya pinapansin ang sinasabi nitong, Warning! Warning! Warning!
"Maayos na ang pakiramdam mo?" nakakunot-noo na tanong ni KM.
Tumango siya, natatakot na ipagkanulo siya ng kanyang bibig kapag nagsalita siya. Hindi siya sanay na pakitunguhan ng maayos ang babaeng pumikot sa kanya.
"Kinain na rin bang kidlat ang dila mo para hindi makapagsalita?" nangloloko akusa nito at mahigpit na niyakap siya.
His body stiffened. He could feel her body molding into his. And she was so damn soft. So damn alluring. And she smelled like... heaven. He wanted her. But he shouldn't want her.
"Ikaw ang kakainin ko kapag hindi ka tumigil," banta niya sabay tanggal sa kamy nitong nakapulupot sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito, umawang ang mga labi nito at inilagay doon ang mga kamay. Doon niya napagtanto ang kanyang sinabi.
Fuck. Why did I tell her that?
"I... I m-mean-"
Naputol ang kanyang sasabihin sa malakas na pagtawa nito. Iyon ang gusto at ayaw niya sa babae. Parang musika sa kanyang pandinig ang tawa nito, may buhay. Ngunit ayaw din niyang pinagmumukha siya nitong batang walang muwang, na parang walang silbi ang galit at inis niya rito, hindi ito tinatablan niyon.
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
Lãng mạnISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...