Chapter 5: Her Winnie the Pooh

3.5K 120 16
  • Dedicated kay Allysa Janine Balicanta Niño
                                    

May Wolf ever walk beside you
and grant you rest in his shadow.
May his paws ever guide your paths
and your howls be heard by all.

~WindWolf

PAANO KAYO NAGKAKILALA ng apo ko?”

Ang tanong na iyon ni Lola Alicia na may codename na Allysa ang nagpabalik kay KM sa katinuan. Kanina pa naglalaban ang dalawang bahagi ng kanyang pagkatao. Binabagabag siya nang larawan ni Paul at ang babaeng kasama nito – at hindi lang basta kasama, kayakap pa nito! Parang pinagpira-piraso ang puso niya nang makita ang sakit sa mga mata ni Paul.

Ang sabi nila ang pag-ibig ay hindi napipilit. Para itong paghihintay na makain ang isang mangga, kailangang hinog ito at hindi pilit. Hindi masarap ang pilit ng mangga. Tama nga siguro sila dahil masakit ang pakiramdam niya, isipin pa lamang niya na hindi pa man siya nakakapagsimulang paibigin ang asawa, may kaagaw na siya. Pinilit ba niya ang pag-ibig na puwede namang mahinog sa takdang panahon?

Itinuon niya ang sarili sa tanong ng matanda habang nanananghalian sila.

“Business associates po si Paul at ang Papa ko. Una ko po siyang nasilayan sa bahay.” At nagsimula siyang magbalik sa nakaraan. “Nakaupo po siya sa sofa na parang hari habang kinakagat ang mga labi nito.” Nilingon niya ang asawa na natahimik at nakatingin sa kanya, parang binibigyan siya ng babala. Pansin niyang lahat ng tao sa komedor ay nakatingin na sa kanya. Ngumiti siya sa asawa.

“Naaliw ako habang pinapanood ko siya. At napagtanto ko pong kapag may iniisip pala ang asawa ko, ugali na nitong kagatin ang labi nito. Nang araw na iyon, nang una ko siyang masilayan, parang may hindi nakikitang lubid ang nagtali sa aking puso sa kanya. Hindi ko po mawari kung paano at bakit pero tinamaan ako nang matindi kay Paul. Akala ko simpleng attraction lamang po ang nararamdaman ko. Ngunit isang gabing maulan, habang kasama ko si Paul...” Huminto siya at tumingin kay Paul, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.

“A-ano ang sumunod na nangyari s-sa... isang gabing maulan, habang kasama mo ang apo ko?” interesadong tanong ni Lolo Domingo.

            “May nangyari pong hindi ko inaasahan,” pabitin ni KM.

            “Ano ang nangyari na hindi mo inaasahan?” tanong ulit ng matandang lalaki.

            “Nangyari po ang hindi ko inaasahan.”

            “Ano nga iyon?!” hindi makatiis ng saad ni Lolo Domingo.

            She chuckled. She was about to say the details when they heard that full, vivacious laughter from her husband. They eyed him unbelievably. Kinabig ni Paul si KM. Doon niya napagtanto na umaarte lang ang asawa.

            “My lovely wife,” he grasped her right shoulder firmly, giving her a dangerous warning. But the heat coming from him and their skin touching made her heart swarm in happiness. It felt so good. She could live forever in his arms.

            “That night, tinawagan niya ako at pumunta ako sa bahay nila. His father wasn’t there. At walang ibang mahihingian ng tulong si KM kundi ako. Nag-e-edit siya ng video presentation na kakailanganin niya kinabukasan,” patuloy ni Paul.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon