“We have doomed the wolf not for what it is, but for what we deliberately and mistakenly perceive it to be –the mythologized epitome of a savage ruthless killer – which is, in reality, no more than a reflected image of ourself.”
― Farley Mowat, Never Cry WolfNAGHAHANDA NA SI KM para matulog. Payapa na ang loob niyang matulog dahil nakauwi na ang kanyang asawa. Malakas ang ulan at may pailan-ilan na kidlat at kulog. Kapag ganitong panahon, na-e-enjoy ni KM ang matulog. Lalo na’t medyo ‘okay’ na si Paul Angelo. May paminsan-minsang sumpong nga lang ito.
Gaya na lang kaninang umaga, habang dinadasalan niya ito ng agahan napansin niyang nakatitig ito sa kanya habang kinakagat ang ibabang labi. Kinabahan siya at kumabog ang dibdib niya, akala niya handa nang l-um-evel up ang kanyang asawa. Nang ngitian niya ito at tignan gamit ang kanyang ‘seductive-innocent look,’ tinaasan siya nito ng kilay at binaling ang tingin sa iba.
Madalas niya itong biruin, palagi niyang ginagaya ang mga napaka-nurturing na expression nito gaya ng, ‘Wow’ at ‘Stupid.’ Hindi ito kikibo ngunit pagtalikod niya saka ito ngingiti at tatawa. Hindi nito alam na alam niya iyon. Kaya naman ang haba ng buhok ng lola ninyo. Naapakan pa nga niya, eh. Ganoon siguro talaga kalakas ang kanyang charm. Paano na kapag nakita na nito ang kanyang alindog. Baka maglaway ito sa takam.
Ramdam ni KM na malapit nang maayos ang kanilang relasyon. Perfect fit silang dalawa. Kumbaga si Paul ang kanyang McDo, ‘Love ko ‘to’ ika nga nila at balang araw siya ang magiging Jollibee ni Paul, mababaliw ito sa kanya dahil ‘Langhap sarap’ siya.
Isang bagay na lang ang bumabagabag kay KM – ang babaeng kayakap ni Paul sa larawan. Nakita niya ang pagmamahal sa mga mata ni Paul nang mabasag iyon. Mukhang malalim ang pinagsamahan ng dalawa. Ano kaya ang nangyari sa dalawa? Patay na ba ang babae? Iniwan ba nito si Paul?
Naputol ang pagmuni-muni ni KM nang makarinig siya ng mga katok. Mabilis at sunod-sunod na katok iyon.
“Saglit lang!” aniya sabay bukas ang pinto.
“Bakit ka nag-lo-lock ng pintuan?” Iyon ang bungad sa kanya ni Paul. Magkasalubong ang mga kilay nito. Dinig niya ang malakas na paghinga nito na animo galing sa pagtakbo.
Siya ang nagulat sa tanong nito? Ano ang pakialam nito kung naglo-lock siya ng pintuan?
“I don’t get it. Ano ngayon sa’yo kung nakakandado ang pintuan ng kwarto ko?” clueless niyang tanong.
Pumasok ito sa kanyang kwarto at deretsong umupo sa sofa na nasa paanan ang kanyang kama. Doon napansin ni KM ang hawak nitong unan. Doon siya nagkahinala sa intensiyon ng kanyang asawa.
“Paano kung magkaroon ng sunog? Paano ka maililigtas!” anito.
“So concerned ka? Why I am so touched but my least concern right now is about the lock and the fire. Ang tanong, bakit ka nandito?”
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
RomanceISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...