Chapter 2: His Winnie the Pooh

4.3K 122 17
  • Dedicated kay Mayan Pablo
                                    

“Everyone is a moon,

and has a dark side which he never shows to anybody.” 


― Mark Twain

NAPABUNTONG-HININGA SI KM. Lahat na ng posisyon sa pagtulog nasubukan na niya pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Bumangon siya at binuksan ang pintuan papuntang veranda ng kanyang kwarto.

            Napahalukipkip siya sa lamig ng hangin, para iyong gamot sa mga suliranin niya. Tumingin siya sa buwan. It wasn’t that round she used to love but it was still hypnotizing. Again, she seemed dazed, she let herself be connected with the magnificence of the moon.

            “Ito ba ang tadhanang inilaan mo sa akin?” usap ni KM sa buwan. “Makakaya ko bang paibigin siya? Matutunan ba niya akong mahalin?”

            Dalawang araw na silang kasal ni Paul, pero simula nang araw ng kanyang kasal, hindi pa niya nakikita ang asawa. Kapag gigising siya sa umaga, nakaalis na si Paul. Kapag hinihintay naman niya itong umuwi, nakakatulugan niya ang maghintay.

            “Pagod na akong manglimos ng pag-ibig. Siguro nga... hindi siya para sa akin.”

            Never doubt when you cast your wish, a voice entered her mind. Her mother used to say that. Her mother – Jeremiah – used to believe that the moon was alive, that it was the eye of the Goddesses to the earth.

            Iipinikit ni KM ang mga mata at inulit ang hiling na turo ng kanayng ina. “Sa buwan na marikit, bigyan ang hiling ng abang maliit. Sinasambit nang marapat ang pagsamong wagas at sapat.”

            At pagkatapos niyang sambitin ang salitang iyon, biglang bumukas ang pintuan ng veranda ng katabing kwarto niya. Parang slow motion ang lahat nang masilayan niyang lumabas si Paul sa veranda. She sighed in relief and laughed heartily. She wanted to cry in happiness. Never doubt when you cast your wish.

            Two days ka pa lamang Mrs. Paul Angelo Pablo, suko ka na agad?

 

            No. I won’t give up.

            May hawak itong isang tasa ng kape habang nakatingin sa buwan. He was really a sight to behold. Her heart fluttered at the mere sight of him. Naramdaman siguro nitong may nakatingin dito kaya napalingon ito sa gawi ni KM.

            Huli na para itago na nakatingin siya rito, bagkus ngumiti siya ng alanganin sa asawa.

            “Hindi ka rin makatulog?” tanong niya rito.

            Nakakunot ang noo nito sa kanya saka ibinaling ang tingin sa buwan.

            Sungit!

 

            “Kumain ka na ba? Nagluto ako, ipaghahanda kita,” pangungulit niya sa asawa.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon