"TAKBO, ANTHONY. BILIS!"
Mabilis na tumakbo si Anthony kay KM. Naglalaro ang mga ito kasama si Mayan. Bakasyon kaya nasa kanila ang mga kapatid, nasa Palawan ngayon ang kanyang lolo at lola. Tumatawa ang kanyang kapatid habang kinikiliti ito ni Mayan.
"Let's go?" he asked.
Napatingin sa kanya ang tatlo at tumango. Ilang araw na niyang napapansin na balisa ang kapatid na si Mayan. Ramdam niyang may hinanakit pa ito sa kanyang noong nagpasya siyang bumukod ng tirahan. Lumayo ang loob nito sa kanya. Unti-unti na lamang niyang nababawi ang loob nito nang nakapisan ang mga ito sa kanilang lolo't lola.
Gaya niya, iba ang pagpapalaking ginawa ng kanilang mama kila Mayan at Anthony. Bawal siyang kausapin ng dalawang kapatid, bawal baliin ang batas ng kanyang mama. Natatandaan niya, labing dalawang taon ang nakakaraan, sinubukang tugtugin ni Mayan ang piano ng kanilang ama. Sinabunutan ito at ikinulong sa loob ng aparador ng kalahating araw. Masakit iyon sa kanya dahil wala siyang magawa.
Hindi na rin siya nagtaka kung bakit hindi nagsasalita si Anthony. Iyon ang coping mechanism nito sa mundong kinamulatan.
Tinanong niya si KM kung may alam ang asawa sa problema ni Mayanngunit gaya niya, wala rin itong alam. Kaya naman naisipan niyang ayain ang mga itong lumabas. Para mag-bonding.
Naglaro sila sa Game Zone. Magkakampi sila ni Anthony laban kay KM at Mayan. Basketball. Tawa sila nang tawa sa paglalaro ni Anthony. Sa huli, panalo sila ni Anthony. Sinunod nilang nilaro ang Super Trivia. May anim na category ang larong iyon, unahan sa pagsagot ng tamang sagot. Pinakamabilis pumindot si Anthony ngunit mali-mali ang sagot nila kaya nanalo si KM at Mayan.
"Oha, brainy girls!" ani KM at kumindat sa kanya.
Seeing his wife made him reflect how wild and naughty she was in bed. She was a fast learner. His innocent, shy wife became a wanton and wayward in bed. She purred like a cat, and rode him like a sex goddess. He loved having sex with his wife. And unexpectedly, he couldn't get enough of his wife. He wanted every minute to be with her.
Sa nakalipas na buong linggo, nasubukan na nilang magniig sa lahat ng parte ng bahay. They tried it in the pool, in the kitchen with the cake's icing all over her body, in the garage, in bathroom and bathtub, and even in his car! He couldn't believe he was acting like a manic teenager.
Naninikip ang kanyang pantalon kaya naman ibinaling niya ang isip sa iba. Pagkatapos maglaro ay kumain silang tatlo at nanood ng pelikula. Pinagtalunan pa nila kung anong pelikula ang panonoorin nila ngunit sa huli ay si Anthony rin ang nasunod. Si Spongebob ang nasunod.
Nakatulog si KM at Anthony na nakayakap habang nakatingin ulit sa bintana si Mayan. Ginising niya si KM at binuhat si Anthony papasok sa kwarto nito pagkauwi nila. Hinanap niya si Mayan at nakita niya ito sa garden, nakaupo sa swing.
"May problema?" tanong niya sa kapatid.
Tumingin ito sa kanya, saka ngumiti. "Wala."
"Kilala kita," aniya. "Galit ka pa ba sa akin?"
"Saan? Bakit?" nababaghang tanong nito.
"Dahil iniwan kita," sagot niya. "If it is only within my power, Mayan, I will revolve back the hands of time. Sana hindi na kita iniwan, sana hindi ka nag-isa. Sana nagawa kitang ipagtanggol sa kanya. Sana nagawa kitang itakas noong eighteenth birthday mo para i-celebrate ang debut mo. Kung hindi lang sana ako naging duwag."
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
RomanceISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...