Prologue

5.5K 147 7
  • Dedicated kay Kristine Crabajal Macatangay
                                    

AYON SA KANYANG Ina, kapag kabilugan ng buwan at humiling ka pagsapit ng hatinggabi, matutupad lahat ng kahilingan mo. Iyon ang ginawa ni KM kagabi – taimtim siyang humiling sa buwan na sana dumating ang kanyang ama para sa kanyang recital.

            Naalala pa niya ang pag-uusap nila ng kanyang ama.

            “Pa, ‘wag mong kalimutan ‘yong recital ko bukas,” anang labing-isang gulang na si KM sa kanyang ama habang nag-aagahan sila.

 

             “Panglimang beses mo nang sinabi sa akin iyan,” saad ng ama ni KM na si Albin Macatangay habang humihigop ng kape at nagbabasa ng diyaryo.

 

            “Baka makalimutan po kasi ninyo,” aniya.

 

            “I will come,” anito na hindi man lamang tumingin sa kanya.

 

            “Pa,” singit ng kanyang kapatid na si Daneia. “Pinapatawag ka ng principal namin at kailangang kausapin ka raw niya.”

 

            Napalingon siya sa kanyang kapatid. Alam niyang gawa-gawa lamang nito iyon. Grade 5 pa lamang ito ngunit alam na nito kung paano paikutin ang tao sa paligid nito.

 

            “Panonoorin ko ang recital mo pagkatapos kong makausap ang principal nila Daneia, okay?” ang sabi ng kanyang ama sa kanya.

 

            Pero ang layo ng school niya sa school namin baka hindi mo maabutan ang recital ko. Iyon ang gustong irason ni KM sa ama ngunit tumahimik na lamang siya.

 

            Tumingin siya kay Daneia na nakangisi sa kanya.

            Pero umaasa si KM na darating ang kanyang ama. Pinanghahawakan niya ang pangakong binitawan nito.

            Ngunit malapit na ang kanyang pagtatanghal pero walang Albin Macatangay ang nagpakita.

            “KM, ikaw na ang susunod,” tawag sa kanya ng kanyang guro na si Miss Noemi Paz.

            “Saglit na lamang po Ma’am. Parating na po ang papa ko,” aniya na nanginginig ang kamay, nagsimulang lukubin siya ng kaba at takot. Iyon ang kauna-unahang magtatanghal siya sa harap ng maraming tao.

            Hinawakan siya sa balikat ng kanyang guro at niyakap siya.

            “Kristine Marie, kung wala kang bilib sa sarili mo, walang bibilib sa iyo. You can do it, baby.”

            “Saglit na lang po, Ma’am. Five mintues po. Pakiusap po, Ma’am,” naiiyak niyang pakiusap.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon