Chapter 9: Best Day of Her Life

3.1K 87 27
                                    

“When I admire the wonders of a sunset or the beauty of the moon, my soul expands in the worship of the creator.”

~Mahatma Gandhi

NGAYON KA PA ba susuko? Nakalayo na tayo.” Iyon ang sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Izza noong nasa pangatlong taon sila ng kolehiyo, iyon ‘yong panahon na hindi na nila kasama si Jacel. Hirap na hirap siya noon sa major nilang Accounting at gusto na niyang mag-quit.

            Kagabi ay gusto na rin niyang sumuko, napag-isipan niyang kausapin ang ama na tulungan siyang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Paul. Ngunit kapag naaalala niya ang mga titig na Paul nang araw na magising sila, ang mga titig na animo humihingi ng tulong sa kanya, nabubuhayan ulit siya ng lakas na ipagpatuloy ang relasyon nila.

            Besides, when she had planned to lure him in this relationship, she acknowledged and took all the risks inherent to her actions. At isa na ang nangyari kagabi sa risk na nilunok niya.

            May pagkakamali din naman siya, nakalimutan niya ang Principle of Prudence. No pain, no gain. Don’t count the egg as chick until it is hatch.

            Weekend iyon kaya naman walang pasok ang kanyang asawa. Paggising niya kinaumagahan, nagluto siya at mag-isang kumain. Umakyat siya pagkatapos dahil ayaw niyang makita at kibuin ang kanyang asawa.

            Kahit nang tawagin siya nito paalis ay kibuin-dili niya ang asawa, nakatingin lamang isya sa labas kahit madilim na. Pasado alas-otso nang makarating sila sa paroroonan.

            Inilibot niya ang paningin sa bahay nila. Halos isang buwan din siyang nawala. Wala naman pinagbago iyon. Marangya pa rin gaya ng dati, estranghero pa rin ang pakiramdam niya habang papasok siya sa naging tirahan niya sa loob ng labing limang taon.

 Naroon pa rin ang kaba, ang takot na naipon sa dami ng rejections na naranasan niya sa pamilya niya.

Ang kapatid niya ang unang sumalubong sa kanila na tila sasali sa Miss Universe sa gara ng suot at make-up. Biglang nangati ang kanyang kamay na isampal dito ang kanyang cellphone.

“Oh, hi, Paul!”

 Nakangiting sinalubong ni Daneia ang kanyang asawa at mahigpit nitong niyakap si Paul na malugod at nakangiti namang tinanggap ng kanyang asawa. Hindi pa man siya nagtatagal sa bahay na iyon ay nag-iinit na siya. Sa sobrang init ng ulo niya sa nasaksihang eksena ay baka masunog niya ang bahay nila.

“Pa! Nandito na si Paul,” dagdag ni Daniea na parang hindi siya nag-e-exist. Ang sarap nitong kalbuhin.

“Ate,” masayang saad ni Daneia at nakangiti itong tila demonyo na lumapit sa kanya. “Mabuti naman at nakarating ka, ate.” Niyakap siya nito at hinalikan sa dalawang pisngi. Biglang bumalik sa isip niya ang larawan nito at ni Paul. Nanggigigil siya. Gusto sana niyang tanggalin ang kamay ng ahas ngunit nakatingin ang kanyang asawa sa kanilang dalawa.

It’s nice to burn you alive, little sister. That was what she wanted to say. “It’s nice to see you again, little sister.”

“That’s nice to hear. Because you know, I miss you. Malungkot ang bahay kapag wala ka.” She smirked. At nasisiguro niyang siya lang ang nakakakita niyon.

I miss picturing you in my mind, scratching that smile in your face. ”I miss you too, little sister. Walang araw na hindi kita inisip. Lalo na kagabi, napanaginipan kita, kapatid.”

“Sana magandang panaginip iyan at hindi ka binangungot, ate.”

“Actually may kasama ka sa panaginip ko. Masayang-masaya kayo ni Robert sa panaginip ko.”

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon