IT WAS JACEL and Lindon's wedding. Isa siya sa bridesmaids ng kaibigan. Masaya siya para sa kaibigan, sa dami ng pagsubok na pinagdaanan nito at ni Lindon, sila pa rin ang nagkatuluyan. Eight years ago, they were like dog and cat, an ocean and a sun – irreconcilable, but fate made them patched things up and now they were tying the knot.
It warmed her heart seeing her college friends. She couldn't believe it when she saw Nico Gallardo, the infamous nerd of the class was now an international ramp model. Everyone was swooning to his charms.
Cynthia Lopez was madly in love with Jomatt Sierra, an unexpected turn of events. Happiness suited her. 'Heard they had two beautiful children.
Isa sa kaibigan niyang si Meriza ay ikakasal na rin sa susunod na taon. Ito ang maid of honor, at ang pinakamagandang nilalang sa simbahan sunod kay Jacel. Gaya nang pagkagulat ni Jacel at Izza nang sabihin niya na kasal na siya, nawindang siya sa ginawa ni Izza para pigilan ang kasal ni Rey Joseph sa ibang babae.
She kidnapped him! A weirdo indeed.
Hindi ba't parang ganoon din ang ginawa mo kay Paul? Ang kaibahan lang, mahal ni Rey Joseph si Izza, si Paul sa'yo?
Binalot ng lungkot ang pagkatao niya pagkaalala kay Paul. At hindi niya mapigilan ang pag-iyak nang sabihin ng pari na ganap nang mag-asawa si Jacel at Lindon. She tried to be happy for her friends. She stopped thinking about herself, it was inappropriate at that moment.
Sa mansiyon ng mga Ong ang reception ng kasal ng dalawa. Masaya nilang pinanood ang journey of love ni Jacel at Lindon. Pati ang mensahe ng mama ni Lindon ay nakakaiyak. She was rooming around when she bumped with Cynthia.
"KM!" nakangiting nakipagbeso sa kanya si Cynthia.
"Ikaw ba talaga iyan?" tanong niya.
"Ano'ng ako ba talaga ito?" tanong nito.
"It's just that now that I realize it's my first time seeing you smiling."
"Ako man ay hindi makapaniwalang magiging masaya ako nang ganito." Tinignan nito ang gawi ni Jomatt na nakikipag-usap sa mga kaibigang si Rey Joseph at Nico. Nakita niya ang saya sa mga mata nito.
"Masaya ako para sa iyo," saad niya.
"Thank you. Ang sabi sa akin ni Meriza, kasal ka na raw?" Nagtatanong ang titig na ibinigay nito sa kanya.
Itinaas niya ang kanang kamay bilang sagot.
"Wow, good for you." Tumitig ito sa kanyang mukha, parang binabasa ang kanyang isip. "Bakit parang hindi ka mukhang masaya?"
"I'm happy of course," matipid na saad niya.
"Who's the lucky guy who succumbs to your magnificent charm?" humahagikgik mna saad nito.
"Paul Angelo Pablo," aniya.
"Paul Pablo? The owner of Tropical Orient Hotel?" tanong nito.
Tumango siya nang marahan. "Hmmm, yeah."
"Wow, small world. He was my friend's boyfriend before," manghang saad nito.
"Talaga?" tanong niya.
"Oo. At paano mo napaamo ang isang kagaya niya? He is barely speaking. Iisang tao lang ang kinakausap at nagpapangiti sa kanya... si Ysabelle. Oh my God, I thought they married each other in the US. I am sorry, KM."
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
RomanceISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...