Chapter 20: The Moon Song

3.9K 114 16
                                    

"SAAN BA TAYO pupunta?"

            KM plastered a smile to her face. She looked at his face, memorizing the contour of his face. "Basta, sumunod ka lang."

            Hinila niya si Paul palabas ng bahay. Humantong sila sa garden. May nakalatag na banig at pagkain doon.

            "Ano'ng meron?" tanong nito sa kanya.

            "Masyado kang busy lately, so I prepare these things for us. Napapabayaan mo na kasi ang maganda mong asawa."

            He chuckled. Nauna itong humilata sa banig. Sumunod siya.

            "I apologized for that, Miss Winnie the Pooh."

            Tumingin sila sa mga bituin. "Noong bata pa ako, mahilig kaming bumuo ng mga pangarap ni Mama habang nakatingin kami sa mga bituin at buwan. Naging mabuti akong tao dahil doon. Mas natututo akong lumaban na walang inaapakang iba. Can I ask you a favour, Paul? Kahit ngayon lang?" she begged.

            He faced her, looking intently at her face. "Okay," he whispered. "What is it?"

            "Can we do it? Making dreams. Make-believe. Just this night," she said emphatically.

            "Okay," he agreed.

            "Thank you." Umusog siya palapit kay Paul at niyakap ito.

            "Nilalamig ka ba?" tanong nito sabay kabig sa kanyang ulo pasandal sa kaliwang braso nito.

            "Hindi. It's warm being with you," aniya at hinigpitan lalo ang mga yakap kay Paul. "Paul Angelo," tawag niya.

            "Yes."

            "Gawin natin ito taon-taon."

            "Let's do that," he said after a while.

            "Kasama ang walo nating anak at limang aso."

            "KM – "

            She stopped him. "You agreed, remember?"

            "Masyadong marami ang walo, kaya mo?" he naughtily asked.

            She smiled in return. "I can. Can we do that?"

            "Let's do that," he said, looking to the stars.

            "Gawin natin ito taon-taon kahit matatanda na tayo, kahit magkaroon na tayo ng mga apo, gawin ulit natin ito. Hindi na natin kailangang pumunta sa malayo o magtrip abroad, gawin na lang ulit natin ito."

            "We will do that," he answered.

            "Magiging malaki ang pamilya natin, Paul. In order to feed them, we need to work hard. Galingan mo sa Tropical Orient, tutulungan kita kung gusto mo. Palalakihin ko ng mabuti ang mga anak natin, may takot sa Diyos, pero wala sa kulog at kidlat," she teased.

            He laughed. "We will. Let's do that."

            "You promise?"

            "Yes, I promise."

            "Good." Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Ninamnam niya ang presensiya nito. Sapat na iyon sa kanya.

            "Mr Tongue Man," tawag niya rito at tinignan ito.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon