NAGAWA NA LAHAT ni KM lahat ng posisyon ngunit ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Gabi na ngunit hindi pa umuuwi si Paul. Malamang abala itong hinahanap si Mayan. Siya man ay hindi mapakali sa kakaisip kung nasaan si Mayan. Dalawang linggo na ang nakalipas nang maglayas ito. Ngunit napapanatag ang loob niya kapag naaalala niya ang sinabi nito sa sulat. Sana lang ay nahanap nito ang kasiyahan na hinahanap nito.
Inaalala niya ang galit ng asawa sa kanya. Iyon ang unang pagkakataon na magalit sa kanya si Paul pagkatapos nilang magkamabutihan. Buong akala niya, tanggap na siya sa buhay nito. Ngunit parang pinipiga ang puso niya sa paraan ng pagtrato nito sa kanya. Na wala siyang karapatan sa buhay nito.
May narinig siyang kumatok sa kwarto ni Paul, pag-uwi nila galing Puerto Azul, sa kwarto na ni Paul siya natutulog. Nagulat siya nang makita si Anthony na nakasuot na nang pangtulog.
She squatted. "'Can't sleep, little wolf?"
Tumango ang batang paslit, kinagat ang munting labi, mababanaag ang lumbay sa mga mata nito.
"Come," aniya at inabot niya ang mga kamay. Agad itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Hinalikan niya ito sa pisngi at binuhat pahiga sa kama. May kumurot sa kanyang puso pagkaalala sa lungkot sa mga mata nito. Hindi man nito kayang sabihin, alam niyang may kinalaman iyon sa paglalayas ng kapatid nitong si Mayan.
Lumayo ito at hinawakan ng mga maliliit nitong kamay ang kanyang mukha at tinignan siya ang matimtiman. Itinuro nito ang puso niya. May iniwan itong kapirasong papel doon.
Are you okay? ang nakasulat.
Nanubig ang kanyang mga mata at ang concern na iyon ng bata sa kanya ang naging rason para maiyak siya.
"O-of course, I am okay, b-baby." She was breaking... and sobbing.
She hugged him tight, and the little wolf hugged her back. He held her face and wiped her tears away. He was looking intently at her.
"I will be okay, baby. Don't worry about me," she said.
Yumakap ito ng mahigpit sa kanya na parang mawawala siya anumang oras. Sa maraming aspeto ng buhay, parehas sila ni Anthony, maagang iniwan, at hindi alam kung paano tatanggapin ang buhay na inalok sa kanila. Isipin pa lamang niya ang pinagdaanan ng batang paslit, nadudurog ang puso niya.
"You want me to sing a song?" she asked.
He nodded and she started singing a lullaby, the one her mother Jeremiah used to sing to her. Pangkaraan ng ilang minuto, mahimbing na ang pagtulog ni Anthony. Tinitigan niya ito at hinalikan sa noo. How she loved this little man.
Nang makaramdam ng uhaw, bumaba siya para uminom. Papanhik na siya nang maaninag niya ang isang pigura na nakaupo sa sofa. Medyo madilim ngunit sigurado siyang si Paul ang nakaupo, mukhang malalim ang iniisip na nakatingin sa kanya.
"Nandito ka na pala. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita?" tanong niya nang makalapit sa asawa.
Nagtaas ito ng tingin ngunit wala itong sagot.
"Ipaghahain lang – "
Napasinghap siya ng hangin nang bigla nitong hinatak ang kanyang kamay dahilan para mapaupo at mapasandal siya sa matipuno nitong katawan.
"I am not hungry. But I want you to stay... just stay," he said huskily.
She could feel him again, his heat, his scent, and his soul blending with her.
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
RomanceISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...