“There are nights when the wolves are silent and only the moon howls.”
~~George Carlin
BAGO SILA UMALIS ni Paul sa Batangas ay nagtanong-tanong muna siya kay Mayan tungkol kay Paul. At isa sa napag-alaman niya sa asawa ay ang paborito nitong pagkain. Adobong baboy na may itlog ng pugo. Kaya heto siya ngayon, abala sa pagluluto ng pagkain ng asawa.
Madali lang lutuin ang ulam na gusto ng kanyang asawa. Simple lang sekreto ng adobong baboy, dapat malambot ang baboy kapag kinain at manuot ang lasa sa karne ng baboy. Para magawa iyon, hiniwa niya ng maliliit na piraso ang baboy, mas mainam at mas mabilis lumambot ang baboy kapag ganoon.
Para hindi maging makunat ang balat ng baboy, ‘wag igisa ang hiniwang baboy. Bagkus, pinagsama-sama ni KM ang kalahating kilong baboy, tatlong ngipin ng bawang at isang pirasong sibuyas na hiniwa ng pahalang. Para mawala ang lansa ng baboy (bago iluto linisin muna ng asin at paminta), isinahog na ni KM ang maliliit ng hiwa ng laya at isang supot na dinikdik na paminta. Binuhos niya ang ¼ na toyo at suka.
Paghaluin ang mga rekado at baboy at i-marinade iyon ng sampung minuto bago sindihan ang kalan. Pakuluan ang karne hanggang sa sipsipin lahat ng karne ang toyo at suka. Kapag hindi pa rin malambot ang karne, lagyan ng kalahating baso ng tubig at hayaang kumulo ulit ang karne. Huwag masyadong malakas ang sindi ng kalan para hindi ma-overcooked ang adobo. Huling isasahog ang itlog ng pugo na nalaga na.
Inamoy at tinikman ni KM ang niluluto.
“Hmmm, ang sarap. Tignan ko lang kung hindi makalimutan ni Paul ang pangalan niya.”
“Hindi iyon tumatanggi kapag adobong baboy na may itlog ng pugo ang ulam.” Iyon ang sabi sa kanya ni Mayan. Napangiti siya. Pasasaan ba’t mapapaibig din niya ang asawa. Ika nga nila, the best way to win a man’s heart is through his stomach.
Inayos na ni KM ang lamesa at nagpalit siya ng damit. Hinintay niya ang asawa sa sala habang nanood ng Two Wives. Naiirita man siya sa role ni Erich Gonzales ngunit sobrang nagagalingan siya sa aktres. Naiiyak siya kapag umiiyak si Erich.
Narinig ni KM ang ugong ng sasakyan ni Paul. Pinatay niya ang telebisyon at pumunta sa dining area, tinignan kung nasa ayos ang lahat. Agad niyang sinalubong ang asawa nang nakapasok na ito.
He was so dashing in his black long sleeves with his tie on. The seriousness in his face made him mysterious for her.
“I cooked for you. Dinner is served for us,” she said.
“I am not hungry,” he said abruptly.
“Hindi pa ako kumain, hinihintay kita,” aniya, hopeful.
“Walang nagsabi sa iyo na hintayin mo ako,” pagsusungit ng asawa. Paalis na ito nang pigilan niya ang kaliwang braso nito at igayak ito sa dining area. Nagsalubong ang dalawang kilay nito.
BINABASA MO ANG
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)
RomanceISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was...