Chapter 4: The Wild Wolf

3.7K 104 9
                                    

"To look into the eyes of a Wolf is to see your soul,
Just make sure something you wish to see is there."
~Wolf Song

“ANO, ASAWA MO... ang babaeng ito?!”

            Gulantang ang lahat sa inihayag ni Paul sa pamilya nito na ang babaing kasama ay asawa nito. Nanlalaki ang mata ng mga ito at halos hindi makapaniwala. Hindi inaasahan ng mga ito ang inihaing pasabog ni Paul. Lalo na ang lola nitong si Allysa na nagpahiwatig ng disgusto.

            “Yes, Granny,” sagot ni Paul na parang napakawalang halaga ang tinatanong ng matanda. Mukha itong pagod at halatang gusto na nitong matapos ang interogasyon na iyon para makapagpahinga.

            “Asawa mo ba talaga ang...” Huminto ang matandang babae para tignan siya pataas-pababa. “Ang babaing ito na mas malaki pa ang mata sa kwago? Kailan ka pa ikinasal sa babaeng ito?”

            Alam kong dapat ginagalang ang mga matatanda pero kapag naputol ang pisi ko, uupakan ko ang isang ‘to. Kung makapanglait akala mo kung sinong Miss Universe. Kaya patience, KM, patience.

 

            “Noong Lunes, Granny,” sagot ni Paul.

            “Lunes?! Ikinasal ka noong Lunes sa babaing ito na hindi namin alam? Sa babaing ito na hindi namin nakilala kahit kailan? Sa babaing ito... na... na... ohh, que barbaridad! Paul Angelo, anong nakain mo at nagpakasal agad? Pinikot ka ba ng babaing ito? Ha? Sumagot ka!”

            Ouch, ang sakit naman.

 

            Nakatuon ang mga tingin nila kay Paul, naghihintay ng kasagutan. Matagal bago nito ibinigay ang sagot. Tumingin ito sa kanya, na ikinabog ng dibdib niya. Ang lakas ng kaba ni KM.

            “No,” he said, intently looking at her. “Hindi niya ako pinikot.”

            Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito.

            “Ano ka ba, Alicia. Kararating pa lang ng apo mo, sinalang mo agad sa hot seat. Pati ang pobreng babaing ito, tinatakot mo. Hindi ba’t matagal na nating gustong magpakasal itong si Paul? Ano’ng pinuputok ng butse mo ngayon? At hindi naman siguro kung sino-sino lang ang napangasawa nitong apo natin. Maganda naman oh... malaki lang ang panga at mata,” singit ng lolo ni Paul.

            Isa pa ito. Maganda na eh! Maganda na sana kung wala lang iyong pahabol na malaki ang panga ko! Mga pamilya ata ito ng manlalait, juice ko!

 

            “Tumigil ka riyan, Domingo!” sikmal nito sa asawa. “Hindi ikaw ang kinakausap ko! Oo gusto kong magpakasal itong apo natin pero hindi ganitong parang nauubusan siya ng babae.”

            Nauubusan? Ano ako, isang ulam na natira sa karinderya at walang may gusto?

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon