Epilogue

6K 216 62
                                    

"BAKIT NGAYON KA lang?"          

            Iyon ang bungad sa kanya ng kanyang asawa na nakaupo sa kama. Pregnancy suited her. Thinking the bump in her belly made his heart swell in anticipation and love for her.

            Lumapit siya rito at lumuhod sa harapan nito. He kissed her tenderly. "Paano po kasi binili ko pa kasi ang pinapabili mo kagabi."

            "Mangga?" nanlaki ang mga matang tanong nito. "Nasaan? Kumain ka na ba?"

            "Pinatago ko na kay Ago. Oo, dinner at meeting na rin iyon. How's your day, wifey?"

            "Okay lang naman. Madalas lang akong antukin," sagot nito.

            "That's normal, honey. I'll just take a shower, okay?"

            Hinalikan niya ulit ito saka tumayo, sinumulang hubarin ang coat at tie.

            "Paul," tawag sa kanya ni KM. Alam niya ang ibig sabihin ng tono ng asawa.

            "Yes?"

            "Asawa ko."

            "Yes? Aha, hmm, you want to take a shower with me, honey?" he asked and winked at her. He slowly stripped off his clothes in front of her.

            "'Wag ka nang mag-shower," utos nito.

            "Bakit?" nababaghang tanong niya.

            "Basta 'wag nang maraming tanong. Higa ka na sa tabi ko. Kanina pa kita hinihintay," pagmamaktol nito saka tinapik ang espasyo sa kanan nito.

            "You really miss me, don't you?" he teased after joining her in bed, wearing nothing but his boxer shorts.

            "Yeah," she said, submitted herself in his arms willingly. He welcomed her embraced carefully. He loved the feeling of her raw skin into his. He loved being close to her.

            "Paul," tawag nito sa kanya, kahit ang boses nito ay parang musika sa kanyang pandinig.

            "Ano iyon?" tanong niya.

            "Alam mo namang buntis ako 'di ba? May mga pagkakataon na iba ang inaasal ko, kasi nga naglilihi ako. Hormones. 'Yong mga pagkain na hinihiling ko, si baby naman ang may gusto noon eh," pagpapaliwag ni KM.

            "I perfectly understand that honey," he said and kissed her forehead.

            "Kasi may gusto si baby, asawa ko," kinakagat ang labi na saad nito.

            "Anything for our baby, honey. Ano iyon?"

            "Pero... mangako ka munang hindi tatawa."

            Ang weird maglihi ng asawa ko. Ano na naman this time? "I promise."

            "Talaga? Pangako? Cross your heart? Peksman?"

            "Talagang-talaga. Pangako. Cross my heart. Peksman. Ngayon, ano iyon?" nakangiting tanong niya.

            "Basta hindi ko ito gusto, si baby ang may gusto nito," nakangusong palusot ng asawa niya.

            "Yes, hormones, honey. Now, what is it?"

            "Kasi si baby ilang araw na niyang gustong... amuyin ang kili-kili mo," kinakabahaang saad nito.

            What the fuck! He was shocked by her new fetish that he couldn't help but laugh... real laugh.

            "Sabi mo hindi ka tatawa? Sige 'wag na!" Tinalukuran siya ni KM.

            "No, no, no. Nagulat lang ako. Sorry na. Ang bilis namang magtampo ng asawa ko. Oh, heto na oh. Amuyin mo na ang katakam-takam kong kili-kili," aniya at napahagikgik.

            "Pinagtatawanan mo naman ako," pagtataray ng kanyang asawa.

            "No. Sige na. Masama raw na hindi pagbigyan ang buntis."

            Humarap sa kanya si KM. "Tandaan mong hindi ko ito gusto ah. Para it okay baby."

            "Opo, misis," nakangiting sagot niya.

            At nagsimulang amuyin ng kanyang asawa ang kanyang kili-kili. Mayroong napapatawa siya sa kiliti at panggagahasa ng kanyang asawa sa kawawa niyang kili-kili. Ah, things he could do for love.

            "KM," tawag niya sa asawa.

            "Oh," anito at tumingala sa kanya.

            Sincerely he said, "I love you... to the moon and back."

            She smiled, happiness was reflecting in her eyes. "I know."

            Once upon a time, there was a princess looking and observing to a caged wolf. She studied it, tried anything she knew to make the wolf laughed. The wolf was in a cage for how many years. The wolf locked himself alone, angry to the world. Until the princess succeeded in unlocking his chain. The wolf smiled, walked towards her to devour the princess but the beasty wolf never expected what the princess brought to him. The princess offered the wolf a beautiful world to live in.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR) 🎉
The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon