Part 10.3

3 0 0
                                    


Hanggang sa aking pag gising ay di parin maalis sa aking isipan ang lalaking nakita kagabi. Paano ba naman, sobrang nakakahiya ang nangyari eh. Nag assume na nga akong sinusundan nya ako tapos nakita nya pa akong nadapa. Haayysss mabuti at wala nang iba  pang nakakita sa nangyari kagabi.

Kasalukuyan akong umiinom ng gatas sa balkonahe ng bahay. Halatang hindi ko nasulit ang aking tulog kagabi dahil sa namugto kong mga mata. Pano ba naman, late na ngang natulog ay ang aga ko pang nagising. Ewan ko lang kung normal ba to dahil kahit anong gawin ko ay parang naka program na sa aking katawan na gumising tuwing ala sais ng umaga.

Habang kusot - kusot ko ang aking mga mata ay di ko namalayang nakatayo na pala si auntie sa aking harapan kaya pagkatapos kong kusutin ang aking mga mata ay di ko naiwasang magulat. pero di naman masyadong gulat yung konting bigla lang.

"Kamusta naman ang unang gabi mo dito pamangkin ko?" medyo sweet na pang-uusisa ni auntie sa akin.

"Ah- eh, ayos naman po auntie" nahihiya kong tugon. Syempre nahihiya parin ako hanggang ngayon kay auntie. Di naman talaga ako masyadong close sa kaniya.

"Mabuti naman, kung ganoon" ang nakangiting bigkas ni auntie.

"tsaka nga pala, pinuntahan kita para sabihin sayong ipapasyal ka ng anak kong si Harold dito sa lugar natin para maging pamilyar ka rin dito" ang dagdag nya pang pag papaalala.

"Ganun po ba, sige po" tugon ko kay auntie na naka ngiti at tumango-tango pa.

"Oh sya sige bababa na ako, may aasikasuhin pa sa palayan" ang pagtapos nya sa aming pag-uusap.

Sinundan ko ng tingin si auntie na tinatahak ang daan pababa ng bahay.

Nabaling ang aking atensiyon sa magandang tanawin na aking nakikita mula dito sa balkonahe. Ang magandang bagong sikat na araw na kay gandang pagmasdan. Ang kulay kahel na kalangitan na umaayon sa sinag ng araw. Hindi pa naman mainit dahil kakasikat palang nito. Sa totoo nga ay malamig parin kahit na sumikat na umaga na. Tanaw ko rin mula dito ang mga dumadaang sibilyan na mukhang abala sa kani kanilang mga gawain. May mga mamang dala ang kanilang kalabaw na may kariton na nakakapit sa likod. Mayroon ding mga babaeng may dalang bilao na naglalaman ng sari-saring mga gulay.

Napadako ang aking tingin sa lugar na aking pinuntahan kagabi. Medyo masukal nga syang pagmasdan pero di mo akalaing mag ganda itong tinatago lalo na ang sapa na aking napuntahan kagabi.

Dahil sa wala nga naman akong magawa ay naisipan kokng bumalik doon. Siguro naman ay di ko na makikita doon ang lalaking nakita ko kagabi. Sobrang aga pa eh. Dala ko sa aking kanang kamay ang isang tasa ng gatas habang tinatahak ang daan pabalik sa kakahuyan. Balak kong balikan ang ilog lalo na't ramdam kong masarap mag muni muni doon. Di naman ako nabigo dahil naaalala ko pa ang aking dinaana kagabi.

Nang marating ang lugar ay pumwesto ako at naupo sa ilalim ng malaking puno sa tabi ng sapa. Nakakarelax talaga ang lugar na ito. Mas nalalasap ko pa ang sarap ng gatas dahil sa lugar na ito lalo na at napakapayapa rito. Ang mga huni ng ibon na para bang isang awitin at ang tunog ng tubig na lumalagaslas sa sapa nakay sarap pakinggan dahil napapakalma nito ang aking isipan. 

Sarap na sarap ako sa aking ginagawang pagrerelax. Naubos ko na ang aking gatas kaya naisipan ko nang bumalik sa bahay kaya tumayo na ako. Sinubukan ko ring ibabad sandali sa tubig aking aking mga paa. Ang sarap sa pakiramdam ang mabasa ng malamig na tubig. Di nagtagal ay nag ayos na ako at naglakad pabalik sa bahay. Habang nasa kalagitnaan ng daan ay may nakasalubong na naman ako. Lah, siya yun ah. Yung lalaki kagabi! Nang magkatinginan kami ay napansin kong may dala itong mga tuyong kahoy na gagamitin nila na pang gatong. 

MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon