JASMES
Andito ako ngayon sa aking kwarto ksama si Allen, pinayagan siya ng kaniyang mga magulang dahil pinagkakatiwalaan naman daw nila ako. Nasabi na rin ni tita at tito ang kndisyon at health issues ni Allen kaya kailangan kong mag-ingat sa mga bagay-bagay lalo na at napakasensitibo ng kaniyang katawan. Bawal siyang pinagpapawisan ng todo, bawal din na kung ano-ano nalang ang kinakain kaya dapat siyang subaybayan at alagaan, Hays kawawa naman tong kaibigan ko pero ayos lang, andito naman ako para bantayan at alagaan siya.
Naglalaro kami ng paborito niyang video game na Super Mario. Ako daw ang gaganap na Mario at siya naman ang aking Luigi. Syempre tuwang-tuwa ako nang makita ko siyang nag eenjoy sa aming ginagawa kasi anmansimula nung trahedyang nangyari sa kanya, ilang buwan ding naging sensitibo ang kanyang mga galaw, nag iba din ang kaniyang ugali. Pero salamat sa Diyos at naging mabuti na siya, mabilis lang din ang kanyang paggaling sa tulong ng kinuhang psychologist nila tita Nica.
Napag-isipan naming huminto at magpahinga muna sa paglalaro. Bumaba kami sa kusina upang kumain ng miryenda. Habang pababa ng hagdan ay nakasalubong namin si mama na nagmamadaling gumayak at umalis ng bahay.
Allen: Tita Steff aalis kayo?
James: Ma, san lakad mo? di ba rest day mo ngayon?
Tita Steffany: Ah anak may emergency meeting lang sa office, urgent daw sabi ng secretry ko at I'm badly in need.
Tita Steff: Oh sha sige, mauuna na ako, James pag may kailangan kayo sabihan niyo lang si manang hah.
Isang pilit na ngiti nalang ang aking ginawad kay mama habang tinatanaw ang pag-alis ng kaniyang sasakyan. Sanay na ako, lagi nalang kasing ganito. Nauubusan na si mama n oras sa aming magkapatid. Mayaman nga kami kaso hindi lang naman yun ang kailangan namin. Kailangan rin namin ng kaniyang presensiya, pero kahit ganoon ay iniintindi ko nalang si mama di ko lang talagang maiwasan ang magtampo.
Kami nga pala ang may ari ng isang sikat na fastfoodchain sa bansa. Marami na rin itong branches all over the country.
Saka nga pala, may nakatatanda akong kapatid, si Kuya Ernesto na kasalukuyang nag aaral sa sikat na University sa manila at nasa 3rd year na siya sa kursong Architecture. Yung tatay ko naman ay may ibang asawa na kaya wag na nating alamin pa ang buhay niya.
Allen: James, oy wag ka nang magtampo sa mama mo. Para din naman iyon sa inyo eh
James: Alam ko naman yun, di ko lang talaga maiwasang magtampo
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, niyaya ko nalang si Allen na kumain ng ice cream. Nang makuha na namin ang ice cream ay nagtungo kami sa sala upang manood ng palabas sa TV.
ALLEN
Ilang buwan din akong naghirap matapos ang masamang pangyayari. Mabuti nalang at kinaya kong habulin ang mga nakaligtaan kong arlin, di ko magagawa yun kung wala ang tulong ni James. Tumulong din siya sa pagbabantay sa akin nung mga araw na napakasensitibo ko pa pagdating sa pakikipaghalubilo. Pagkatapos ng klase ay dinadaanan niya ako sa bahay, tinuturuan at pinapasaya. Naalala ko tuloy si Lance, kausta kaya siya?
By the way, iilang minuto nalang ay magsisimula na ang aming huling pagsusulit at dalawang linggo nalang ang inaantay upang magtapos ang school year. Syempre todo study ang lahat ng mga kaklase ko. Malalaman mo talagang nakaugalian na ang pagproprocastinate dahil last minute na kung mag study. Ako naman ay kinakabahan dahil ito na ang huli, kailangan ko pang makabawi sa medyo tagilid kong grado sa nakaraang grading period. Kasama ko si James na nagrerecall ng mga aralin.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romantik"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...