Part 2

51 0 0
                                    

"You may go back to your seat now" bulong ng aming guro sa nagpapakilalang estudyante.

"Hey you! mister!" pagtawag ni Mrs. Aban sa bagong dating naming kaklase

"Me?" sabi ng lalaki sabay turo sa sarili.

"Yes, sino pa bang iba?"

"Come here and introduce yourself" utos ng aming guro dito.

Dahan-dahan niyang tinungo ang harapan ng silid at tumayo ng tuwid.

"Hello! ako nga pala si James Amiel DelaCruz, 17 na taong gulang" pagpapakilala nito na nakangiti pa.

"Take your seat" utos ng aming guro dito.

Inikot ni James ang kaniyang paningin at naghanap ng bakanteng upuan. Di naman nagtagal ay nakakita rin ito ng upuan na nasa gitnang bahagi ng silid. Habang tinutungo niya ang kaniyang silya ay di ko naman ito miwasang tingnan. Inuusisa ko ito at kinikilala kung pwede bang maging kaibigan. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang aming paningin. Ngumiti ito ngunit iniwas ko kaagad ang aking paningin at ibinaling sa ibang direksiyon dahil sa hiya.

Ang aming class adviser din pala ang aming guro saScience na unang magtuturo sa umaga. Naging mahaba ang diskusyon ngunit hindi ako nakaramdam ng antok at boredom dahil nagustuhan ko ang pamamaraan ng pagtuturo ng aming guro. Napakabait, maalalahanin at masaya kung kasama.

Sumunod naman ang aming guro sa Mathematics. Iniisa-isa ng aming guro ang pagtawag ng aming mga pangalan in alphabetical order upang kilalanin ang aming mga mukha. Hindi muna ito nagturo ng aralin dahil gusto niya umano munang ilathala ang kanyang mga rules ang regulations. Naging iba at seryoso ang hangn sa loob ng aming silid dahil sa striktong pamamalakad ng aming guro sa math. Humaba pa ang diskusyon at todo lang ako sa pakikinig dito, mahirap na at mapagalitan pa.

Kriiiiiiinnnggg******

Tunong ng bell, na nagpapa-alalang break time na namin.

Iniligpit ko ang aking mga gamit at kinuha sa aking bag ang miryendang inihanda ni mama. Tumayo ako at naglakad patungong canteen. Pagkarating sa canteen ay inikot ko ang aking paningin at naghahanap ng bakanteng pwesto. Sa kasamaang palad, puno na ito. Wala na akong choice kundi umalis at bumalik sa room. 

Habang naglalakad pabalik ay napadaan ako sa likod ng isang gusali. Maganda ang lugar na ito, masarap ang simoy ng hangin at nakakarelax. Hindi naman mainit dahil napapaligiran ito ng mga puno at mga halaman. Nakakita ako ng isang concrete bench. Umupo ako dito at nilapag ang aking dala-dalang miryenda sa lamesa. Sinimulan ko na ang pagkain at ninanamnam ang masarap na hanging dumadampi sa aking mukha. Nakapikit kong inangat ang aking mukha habang nagmumuni-muni.

"Salamat at naranasan ko na rin ang maging malaya. Di ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay nila mama sakin. Mag-aaral akong mabuti at mag-iingat na rin" sabi ko sa akin isipan.

Biglang naputol ang aking pagmumuni nang ako'y nakaramdam ng kalabit sa aking tagiliran. Agad akong nag-ayos ng upo at nilingon kung sino man ang nangalabit sa akin.

"Ja-James!" nauutal kong pambungad dito.

"Ako nga" sagot naman nito at ngumiti.

"Ahh paano mo nalama na nandito ako?" nagtataka kong tanong dito.

JAMES*

Naghahanap ako ng aking mauupuan sa canteen pagkatapos bumili ng pagkain. Habang inililibot ang aking paningin ay nakita ko ang aking kaklase sa entrada ng canteen na mukhang naghahanap din ng bakantent upuan. Di ko alam kung ba't ako natulala habang pinagmamasdan ang kinatatayuan nito. Tiningna ko siya mula ulo hanggang paa. Ang sarap pagmasdan ng kaniyang maamong mukha, napakahinhin pa kung gumalaw. Mapakaganda rin ng kaniyang bala't halatang mayaman at alagang-alaga ng mga magulang. 

MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon