Part 8

10 1 0
                                    


Allen

Masakit, sobrang masakit. Hindi ko na ata makakayanan tong iniinda kong sakit. Hindi ko kayang gumalaw man lang. Naluluha na ang aking mata. Ano ang gagawin ko? Tulong please.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ng aking mga magulang. Wala akong kamalay-malay kung nasaan ako. Kahit na ang oras ay hindi ko matandaan.

Agad naman akong nilapitan ng dalawang nurse upang icheck ang aking kalagayan. Eto na ngaba ang sinasabi ko eh. Sa sobrang kapabayaan ay pati sarili ko ay napapahamak ko na.

Nang masiguradong maayosna ang aking lagay ay iniwan na kami ng mga nurse. Paagkatapos makausap ni mama ang isa sa mga nurse ay agad na niya akong tinungo at kinausap.

"Anak, alam mo naman ang kondisyon mo diba?" Pangangaral sa akin ni mama na bakas parin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi na ako sumagot dahil alam kong ako naman ang may mali.

"Pinag-alala mo kami ng papa mo, mabuti at walang masamang nangyari sa iyo" dagdag pa ni mama. Si papa naman ay nasa di kalayuan. May kausap sa kanyang cellphone.

Matapos kausapin ni mama ay naghanda na ito ng aking kakainin. Binuksan niya ang supot na may laman na mga prutas. Inihanda na rin niya ang aking mga gamot. Lumapit si papa sa akin na mukhang dismayado.

"Nak! Napag usapan na natin to diba? Wag matigas ang ulo. Nasabi na sa akin ni James ang nangyari kahapon. Alam mo namang bawal ka diba?" Madiin na pangangaral sa akin ni papa. Gaya ng ginawa ko kanina ay nanatili nalang akoon tahimik kasi nga ako naman talaga ang may kasalanan.

(Flashback)

Nang maihatid na ako ni James ay napagdesisyunan ko nang pumasok sa bahay. Sinalubong pa ako ni mama at tinanong kung bakit late na akong nakauwi. Sinabi ko naman sa kaniya ang totoo kaya ayun napanatag na siya lalo na nung nalaman niyang kasama ko si James.

Niyaya pa akong kumain ni mama ng hapunan pero tumanggi na ako kasi naman sobrang dami na ng nakain namin kanina.

Nakaramdam ako ng pagod kaya agad kong tinungo ang aking kwarto. Nang makapasok ay dali-dli kong nilundag ang malambot kong higaad.

Pinagmamasdan ko lang ang kisame nang naalala ko ang mga nangyari kanina. Kamusta na kaya yung mga bata na tinulungan namin kanina? Saan kaya sila natutulog ngayon? Nilalamig kaya sila?

Naalala ko rin ang nangyari sa karinderya kung saan kami kumain. Sobrang saya, doon ko lang naranasan ang ganoon ka sayang pangyayari sa buong buhay ko. Hindi ko alam pero agad akong napangiti nang maalala ang sinaryong siubuan ako ni James. Hays ano ba itong iniisip ko.

Hindi rin maiwaglit sa akin isipan ang paghalik ni James sa aking pisngi. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang lambot ng kaniyang labi, gayum din ang init ng kaniyang hininga na tumama sa aking mukha.

Hindi ko namalayan na medyo matagal-tagal din pala ang aking pag-iisip. Nang dahil din siguro sa pagod ay naipikit ko nalang ang aking mga mata at mahimbig nang nakatulog. HIndi ko na rin nagawang magpalit ng damit. Hays.

Tahimik lang ang paligid.

Naalimpungatan ako nang ako'y nakaramdam ng kirot sa aking tiyan. Ibinalewala ko lang ito kasi hindi naman masyadong masakit kaya sinubukan kong bumalik sa tulog.

Hindi ko pa nagawang ipikit ang aking mga mata nang ramdam ko na mas sumakit ito. Parang tinutusok-tusok ng karayom. Gaya ng ginawa ko kanina ay tiniis ko lang at umaasang mawawala rin ito. Inayos ko nalang ang aking pwesto. Tumagilid ako, Inilapit ang aking mga tuhod sa katawan upang ipitin ang ang tiyan.

MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon