Nagising ako ng mga ingay mula sa baba ng bahay. May mga nagkukwentuhan, meron din nagtatawanan. Kinusot ko pa ang aking mga mata nang imulat ito. Nang bumangon ako ay agad kong napansin ang isang jersey shirt na nakasablay sa upuan malapit sa higaan.
Tinanaw ko ang bintana at nagulat ako sa aking nakita. Madilim na pala, grabe pagod na pagod ba talagaako para makatulog ng ganoon ka tagal?
Gumayak na ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Habang pababa ng hagdanan ay may naririnig ko na ang malakas na tawanan at kwentuhan ng mga tao roon. Nakita ko sa Dining area sina mama at papa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama nila na naroon kaya lumapit ako sa kanila at tumabi.
Gaya ng inaasahan ay ipinakilala pa muna ako nilala mama at papa sa iba pa naming mga kamag anak na nandoon. Grabe andaming pagkain, wala namang piyesta, birthday o kahit ano mang okasyon. Sadyang mainit lang talaga ang pagsalubong nila sa amin dito. Siyempre dahil gutom na ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kumain na. Shuxxx sarap talaga, da best ang mga lutong bahay. Walang binatbat ang mga pagkain mula sa mga mamahaling restaurant.
Matapos kumain ay nagpaalam na muna ako kila mama na magpapalit ng damit kasi hindi ko parin napapalitan ang suot ko kanina.
Tinungo ko na ang kwarto at kumuha ng damit. Habang kumukuha ng damit ay naisipan kong maligo na lang upang presko mamaya sa pagtulog.
Tinanong ko si tita kung nasaan ang banyo at yun tinuro niya sa akin at sinamahan pa ako at baka maligaw daw. Andun yung banyo sa unang palapag sa may likurang bahagi ng bahay. Hindi naman siya sa labas ng bahay kaya nakaramdam ako ng safety at comfortability.
Nang makapasok sa banyo ay naghanap ako ng pwedeng paglagyan ng aking mga damit at kung saan ko pwedeng isabit ang aking tuwalya. Mukhang kailangan kong mag adjust dito kasi hindi ito yung nakasanayan kong buhay, gaya nalang ngayon wala akong nakikitang shower sa banyo, tanging tabo at usang balde lang ang aking nakikita. Hindi naman ako maarte kaya walang problema sa akin iyon. Mas okay pa nga ito kasi may gripo hindi na ako magpapagod na mag igib ng tubig mula sa poso.
Binuksan ko na ang gripo ang nagsimula nang magbuhos ng tubig sa aking katawan. Nagsipilyo muna ako ng aking mga ngipin bago naligo. Sabon dito, sabon doon. Shampoo dito, hilod doon, dahil sa naramdaman kong sarap mula sa malamig na tubig na dumadaloy pababa ng aking katawan ay hindi ko maiwasang mapakanta. Syempre todo bigay ako sa pagkanta kase dito lang naman talaga sa banyo gumaganda ang boses ko eh HAHA. Ilang buhos pa ng tubig ay natapos na din akong maligo.
Nang matapos ko na ang aking paglilinis ng katawan ay binalot ko na ang aking baywang ng tuwalya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo nang bigla akong may naalala. Sobrang tanga ko talaga, dapat eh dinala ko nalang dito yung mga damit na pagbibihisan ko, hayss paano to ngayon? marami pang tao sa labas. Nakakahiya naman kung makikita nila akong nakaganito lang. Hays bahala na. Bibilisan ko nalang sa pagtakbo.
Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at maingat na isinara ang pinto nito upang hindi makagawa ng kahit anumang ingay na maaaring maka agaw ng atensiyon nila. Nang makasigurado na abala ang lahat sa pagkain at pagkukwentuhan sa dinning area ay mabilis kong tinahak ang hagdanan nang makabalik agad sa kwarto. Muntikan pa nga akong madulas dahil medyo basa pa ang aking mga paa.
Hindi pa man ako naka apak sa unang step ng hagdan ay bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan dahil sa may tumawag sa aking pangalan. Hindi pwede to, kailangan ko na ang makaalis agad dito. Pero paano? may nakakita na sakin nanatili lang akong nakatalikod at di man lang nilingon ang tumawag. Tinawag niya ulit ang pangalan ko na nakapgpabalik sa aking wisyo. Mabagal kong nilingon ang pinagmulan ng boses at natigilan ako sa aking nakita. Si kuya Harold, ang pinsan ko, naipakilala sa akin ni tita kanina habang kumakain, may hawak siyang baso na may tubig. Nang nakarap na ng buo ang aking katawan ay nakita ko itong titig na titig sa aking katawan. Nakita ko pa ang kaniyang adams apple na gumalaw na tila ba ay lumunok ng laway tapos ay ininom na niya ang dala niyang tubig nang titig na titig parin sa aking katawan. Dahil sa kaniyang pinakita ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kilabot. Nakaramdam ako ng panlalamig sa aking batok. Lalapit na sana siya sa akin pero bigla na akong tumalikod at tumakbo paakyat ng kwarto.

BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
عاطفية"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...