Part 11

4 1 0
                                    

"Mark hintay, bagalan mo lang naman oh" nagbibisekleta kami ngayon, medyo hirap akong habulin ang lalaking nasa aking unahan dahil sa hindi ko pa masyadong gama ang pagpapatakbo nito. Nung mga nakaraang araw ay tinuruan nila ako ni kuya Harold kung paano gamitin ang bisekleta. Hindi sa pagmamayabang pero mabilis naman akong natuto, pero takot parin akong patulinin ang takbo nito. 

Talagang napakabilis lang ng oras, bukas na nga rin pala ang aming uwi sa syudad. Parang kailan lang nang dumating kami dito sa probinsya. Siguradong mamimis ko rito. Ang magagandang tanawin, ang mga huni ng ibon, ang magandang pagsikat at palubog ng araw, ang ilog at iba pa.

"Ang bagal kasi ng padyak mo, subukan mo kayang bilisan" pasigaw nitong tugon dahil nga nakakalayo na ito sa akin. 

"Kung subukan mo rin kayang bagalan yang tako bo" pasigaw ko ring sagot sa kaniya.

Pinagpaalam niya ako kanina kina mama at papa na ipapasyal nya raw ako kaya heto ako ngayon, pilit siyang hinahabol.

Teka lang, mukhang malayo na tung narating namin ah, kanina pa kasi kami nagbibisiketa pero di parin namin narating kung san ba talaga niya ako dadalhin.

"Mark! Malayo pa ba tayo?" mukang mamamos tong boses ko kakasigaw ah

Napalingon ito sa aking gawi  at napangisi ng bahagya.

"Konti nalang, malapit na kaya bilisan mo sya" sagot nito sabay balik ng tingin sa daanan.

Hayst. Hindi ba sya nakakaramdam ng pagod? Kanina pa kami dito ah at mukhang inabot na kami ng isang oras katatahak ng daan.


"Woah" yan lamang ang lumabas sa aking bibig nang marating ang aming destinasyon. Mukhang napawi nito ang aking pagod sa pagpapadyak. Sulit na sulit ang pinagpawisan ko dito sa lugar na ito. Nandito kami sa isang tulay na hindi masyado nadadaanan ng mga tao. Sa ilalim nito ay ang rumaragasang tubig na galing umano sa ilog malapit sa bahay nila Lola. Kitang kita mula sa tulay ang kulay kahel na kalangitan na dulot ng paglubog ng araw sa napakalawak na karagatan. Akala ko sa mga paiting at larawan ko laman ito makikita. Mas maganda pala ito sa personal kesa sa aking nakikita sa mga palabas at internet.

"Mark, ang ganda dito" hinarap ko siyang may ngiti at halata ang kasiyahan sa aking mukha. Siya naman ay nakatitig lamang sa karagatan at nakangiti rin.

"Mabuti naman at nagustuhan mo" sambit niya na hindi parin tumitingin sa akin.

Ibinalik ko nalang ang aking tingin sa tanawin. Susulitin ko ito dahil alam kong di ko na ito makikita sa mga susunod na araw. Mananatili nalang ito sa aking mga ala-ala.

Sigurado akong mamimis ko ang lugar na ito. Bukas ay balik na naman kami sa syudad kung saan ay di ko makikita ang mga bagay na narito. Balik na naman sa magulong lugar. Maingay, mainit, at napakabusy na syudad. Bukas, makikita ko na rin ulit ang aking matalik na kaibigan. Sino pa ba, edi si James at wala na ngang iba. HAHAHA. Mabuti na nga lang at nandito sila Kuya Harold at Mark kaya hindi ako masyadong nangulila sa mga nakagawian ko sa syudad at syempre sa aking kaibigan. Hhhhmmm di lang basta kaibigan kundi crush na talaga. HAHAHAH grabe natuto na akong lumandi pano ko nga ba to natutunan?

...

"Wala ka na bang nakalimutan anak?" tanong sakin ni mama habang inilalagay ang aming mga maleta sa likod ng aming sasakyan.

"Wala na po ma, naligpit ko na lahat kanina" tugon ko naman dito.

"Allen. pinsan! bumalik ka rito paminsan hah" sabi naman sa akin ni Kuya Harold

"Syempre naman kuya, babalik-balikan ko ang napakagandang lugar na ito" ang magiliw kong sagot sa kaniya. Mukhang natuwa rin sya sa aking sagot kaya nagawa pa nitong guluhin ang aking buhok.

Nauna na akong sumakay sa sasakyan at mula sa king kinauupuan ay hita ko pa sila mama at papa na abala sa pagpapaalam sa mga kakilala.

Kahit sa isang linggo lang kaming nanatili rito ay ramdam ko agad ang pagiging komportable. It feels like home talaga. Aaminin ko nung una ay nahohome - sick pa ako pero hindi rin naman iyon nagtagal, pasalamat at nandiyan si kuya Harold at Mark. Speaking of Mark. Kita ko nga siyang papunta rito sakay ng kaniyang bisikleta. Pagkababa ay hingal na hingal pa. 

"Oh ba't hingal na hingal ka?" tanong ko sa kaniya.

Itinaas nya lamang ang kaniyang palad na nagsasabing "wait" at marahang huminga ng malalim.

"Akala ko di ko na kayo maaabutan" sabi niya na halaatang hinihingal parin. Di na ako sumagot at hinayaan na lamang siyang magsalita.

"Bago kayo umuwi ay may sasabihin nga pala ako sa iyo"

"Bilis sabihin mo na, mukhang tapos nang magpaalam sila mama oh" sabi ko sabay turo sa direksyon ng aking mga magulang na papunta na rin sa aming kinaroroonan.

"Gusto ko lang sanang magpasalamat sa lahat at natutuwa akong makilala ka" Kahit na nakangiti ito ay halata  naman ang kaniyang kalungkutan sa pananalita.

"Ako rin anman eh, sobrang pasasalamat kong naging kaibigan kita. Sobrang naappreciate ko lahat ng mga ginawa natin. Yung pagsisisekleta, pamamasyal sa niyogan, paliligo sa ilog at  iba pa. Siguradong babauni ko ang mga iyon sa aming pag-uwi" 

" Handa na ba ang lahat?" tanong naman ni papa mula sa driver's seat.

"Sandali lang po" sagot naman ni Mark.

"Sige pakibilisan mo nalang ijo"

"Allen may hihingiin akong pabor sayo"

"sige ano yun?"

"Pwede ko bang mahawakan ang iyang mga kamay?" oh akala ko naman kung ano talaga.

"Simple lang naman pala eh" Inilabas ko sa bintana ng sasakyan ang aking kamay.

Inabot nya naman ito at nakipag shakehands pa sa akin.

"Kahit sa maiklig panahon, natutuwa akong makasama ka, It's nice to meet you Allen" wika nito

"ako rin Mark natutuwang makilala ka"

Nagsimula nang umandar ang sasakyan at marahan niya nang binitawan ang aking kamay. Ramdam kong may isang bagay sa pagitan ng aming palad kayat hinawakan ko ito nang hindi mahulog. Nang maghiwalay ang aming kamay ay hinawakan kong mabuti ang nakatuping papel. Ano kaya ang lama nito?

Sumilip ako sa bintana at kita ko ang mga taong kumakaway kaya kumawak din ako pabalik sa kanila. Kita ko rin ang pag-akbay ni kuya Harold kay Mark. Unti-unti na kaming nakakalayo hanggang sa naglaho nga nga sla sa aking paningin. 

Inayos ko na ang aking upo at pinagmasdan ang hawak-hawak kog nakatuping papel. Ano kaya ang laman nito? Anong pumasok sa isip ni Mark at pabaunan pa naman ako ng basura.HEHE joke lang.

Binuksan ko ang nakatuping papel at sinimulan ko nang basakin ang mensaheng nakasulat dito.



Itutuloy...

MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon