Part 9

18 1 4
                                    


Kasalukuyang inaayos ni mama ang mga dalang damit na aking susuutin sa aking pananatili dito sa hospital. Si James naman ay nag boluntaryong bumili ng aming pang hapunan. Ako naman ay nakaupo lang sa kamang higaan.

Pinagmasdan ko lang ang bawat kilos ni mama. Talagang napakaswerte ko at mayroon akong ina na katulad niya. Napakaswerte ko dahil sobrang bait niya. Mapagmahal, maalalahanin at higit sa lahat, si mama ay maalaga. Kitang-kita ko na ginagampanan niya ng maayos ang kaniyang responsibilidad bilang isang ina. Ano pa ba ang maihihiling ko? Ramdam kong nag uumapaw na ang pagmamahal na kaniyang ipinadama sa akin. Gayon din si papa. Kahit na pareho silang busy sa trabaho ay ramdam ko parin na mahal nila ako.

Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako dahil sa aking mga naiisip na siya ring napansin ni mama.

"Anong nginingisi mo diyan? Mukha kang baliw anak" wika ni mama na humahagikgik pa ng tawa.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay sinabihan ko nalang siya ng "I love you ma". Nakangisi lang ako nang banggitin iyon.

"Naglalambing na naman tong baby namin eh" sabi ni mama. Natapos na siya sa pagliligpit ng damit kaya lumapit ito sa akin. Gumanti din ako ng yakap pagkatapos ang tumango upang humarap sa kaniya na nakapout ang labi.

"Ma, binata na ako, hindi na ako baby"

"Kahit ano pang sabihin mo, ikaw parin ang baby namin ng papa mo" tugon ni mama sabay pisil sa aking mga pingi. Mahina lang ito at hindi masakit. Hindi katulad sa ginagawa sakin ni tita Ayreen na halos punitin ang aking balat.

Nasa ganoon kaming paglalambingan ni mama nang bumukas ang pinto at niluwa nito si James. May dala itong dalawang paper bag na naglalaman ng aming pagkain. Nang tuluyan na syang makapasokay agad niyang binati si mama at nilapag na ang dalang paper bag sa lamesa.

"James manghiram ka nalang muna ng damit kay Allen hah, nagdala kasi ako ng extra para hindi ka na umuwi, atsaka may bagong underwear naman si Allen diyan, hindi pa nasusuot" wika ni mama.

"Sige mauuna na ako, may pupuntahan pa akong trabaho" dagdag pa niya

Kukunin na sana ni mama ang kaniyang hand bag upang umalis ngunit agad siyang pinigil ni James.

"Sabayan mo muna kaming kumain tita" sabi ni James habang nilalabas ang mga dalang pagkain.

"Oo nga ma, sumabay ka na" dagdag ko pa.

Hindi rin naman tumanggi si mama. Alam kong hindi pa siya kumakain, lalo na at nagiging busy siya sa kasong hinahawakan niya sa trabaho. Nakwento kasi ni mama na ang kliyente niya ay isang bakla na umampon ng sanggol na nakita lang niya sa gilid ng lansangan malapit sa basurahan, ngunit makalipas ang 4 na taon ay gusto itog kunin ng nagpakilalang mga magulang ng bata. Basta yun na yun.

Natakam ako sa aking nakita. Sobrang bango nito, gusto kong tikman. Sa palagay ko ay sobrang sarap nito. Naglalaway na talaga ako sa dalang fried chicken na dala ni James na mula sa isang sikat na fastfood chain. Napako lang ang aking paningin dito habang ini- imagine na kinakain ko ito.

Agad namang naputol ang aking pag iimahe nang nagsalita si James.

"Hoy, yung laway mo tumutulo na, HAHAHA" wika ni James na nagpabalik sa aking katinuan.

"Ang bango, ang sarap" ang tanging nasagot ko nalang sa kaniya.

"Hephep, bawal ka niyan" kukuha na sana ako manok pero tinapik ni mama ang aking kamay. Kita ko namang natawa sa aking inasal si James kaya tiningnan ko ito ng masama.

"Konti lang please"ang pagmamakaawa ko kay mama. Pero mukhang di gumana ang pagpapa cute ko hays.

"Diba sabi ng doktor ay bawalang fastfood? Mas mabuting sundin mo nalang upang hindi na lumala iyang sakit mo" Sabi ni mama na tumulong na din sa paghahanda ng mga pagkain.

MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon