Allen
Unang araw ng bakasyon, andito ako ngayon sa park upang magrelax. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench at pinagmamasdan lang ang mga tao sa aking paligid. Sarap nilang panoorin, may mga tumatakbong bata na mukhang maglalaro ng habulan, may mga teenagers din na naghahalakhakan, at iba pa ay nagkukwentuhan.
Umihip ang sariwang hangin na tumama sa aking pisngi. Agad kong nilasap ang presko at malamig na hangin. Dahil sa sarap ay bigla kong naipikit ang akking mga mata at napangiti. Biglang rumehistro sa aking isip ang mga nangyari kamakailan lang. Ang saya, sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag, sobrang thankful ko nalang para sa mga nangyari.
Alam kong ito na ang simula ng pagbabago sa aking buhay. Ang dating limitado lang sa loob ng bahay ay ngayo'y malaya na.Syempre kailangan paring mag-ingat lalo na at medyo maselan pa ang aking kundisyon.
Hays buhay nga naman, puno ng surpresa. May kalungkutan, kasiyahan, sakit, lumbay at tagumpay. Puno rin ng misteryo lalo na sa mga nakatagong maaaring mangyari sa ating hinaharap. Kaya wag sayanin ang bawat oras na masaya tayo, lubusin natin ito dahil di natin alam kung anong maaaring mangyari pagkatapos nito.
Nasa ganoong pag-iisipako nang may maramdaman akong mainit na hanging tumatama sa aking pisngi, ramdam kong hininga ito lalo nat naaamoy ko rin. Hindi naman mabaho, sa totoo lang eh mabango nga, amoy mint.
Dahil sa pagtataka ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Nang tuluyan ko nang naibuka ang aking mga mata ay hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat at kaba na aking nararamdaman. Ba't niya ginagawa to? Nakakailang naman, hayssttt. Kahit sa peripheral vision lang ay kitang-kit ko si James. Oo, sobrang lapit niya sakin na malapit na ngang lumapat ang kaniyang labi sa aking pisngi. Napakalaki ng ngiti nito na abot tenga. Anong problema nito?
Nagtagal ang ganoong pwesto namin ng mahigit na sampung segundo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakaiba kasi tong nararamdaman ko eh. Masaya ngunit kinakabahan? Bakit nga ba? Bat nararamdaman ko na naman tong kiliti sa aking tiyan? Ano bang meron sa kaniya at bakit ganito ang dulot niy sakin?
Pansin niya sigurong dilat na ang aking mga mata kaya unti-unti na niyang inilayo ang kanyang mukha at inayos ang pagkaka upo sa aking tabi.
Dahil sa pagkailang ay hindi ko magawang magsalita kaya nabalot pa kami ng katahimikan. Nang nilingon ko siya ay hindi parin nawawala ang kaniyang malapad na ngiti. Bakit ngayon ko lang napansin na napaka aliwalas ng kaniyang mukha pag ngumingiti?
Ilang saglit pa ay binasag na niya ang katahimikan.
"Oh, bakit ka pinagpapawisan?" tanong niyang nakangiti parin. Baliw ba ito?
"Ah, wa-wala, mainit kasi" sagot ko sa kanya at dali-daling pinunasan ang aking noo na pinagpapawisan na nga. Mabuti at di naman ako asyadong nagpawis.
Napahagikgik naman ito na ikinakunot ng aking noo kaya isang masamang tingin ang iginawad ko sa kaniya. Mukhang nakuha niya nga ang ibig kong ipahiwatig na hindi ko nagugustuhan ang kaniyang ginagawa kaya huminto na siya.
"bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" pag-iiba niya sa usapan. Napaka awkward kasi ng nangyari kanina.
Hinarap ko siya at tiningnan sa mata at nagbitaw ng isang genuine smile.
"Gusto ko lang kasing personal na magpasalamat sayo, sobrang nagustuhan ko kasi ang regalo mo eh" paliwanag ko sa kaniya na ikinangiti niya ulit.
"Ah yun lang ba? Wala yun, alam ko kasing paborito mo yun eh"sambit nito. "Ang kinis talaga ng mukha mo noh, mukhang hindi pa nadaanan ng pimple o wrinkles man lang" dagdag pa niya. Naiilang ako sa mga sinasabi niya kaya iniba ko ang usapan.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romance"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...