Andito kami ngayon sa bakuran ng bahay. Susunod daw sila James, inimbitahan na rin namin sila na dito na rin magcelebrate ng graduation party. Hindi rin naman tumanggi si tita Steff dahil hindi rin umano ito nakapagprepare dala nga n sobrang busy sa trabaho.
Nakakapanibago, ngayon ko lan maranasan ang ganito. Ang ganitong uri ng celebration. Andaming bisita, mga kamag-anak namin at mga kaibian nila mama at papa.
Habang pinagmamasdan ang kapaliiran ay tinawag ako ni papa upang ipakilala sa kanyang mga katrabaho.
"Anak halika muna rito"
Agad ko naman itong sinunod. Habang tinatahak ang daan papunta sa table nila papa ay nakikita ko na ang mga kasama niya. Nagtatawanan at nagkukwentuhan. Napakaformal ng mga itsura nila, mukhang galing pa sa trabaho.
Nang makalapit ako kay papa ay agad niya akong inakbayan at ipinakilala sa kaniyang mga kaibigan.
"Mga pare ito yung anak ko oh" pagpapakilala ni papa sa akin.
Isang pilit na ngiti lang ang aking pinakawalan. Medyo awkward din kasi hindi ko naman sila kilala at isa pa, hindi ako sanay sa pakikipagsocialize.
"hello po"
Binati naman nila ako at kinongratulate. Nag stay pa ako doon sandali kasi ambastos naman siguro kapag aalis agad ako. Narinig ko nalang ang mga kwentuhan nila. Tungkol ito sa mga experiences at mga kabulakbulan nila nung nasa edad ko pa sila. Hindi ko na rin pinakinggan ang iba pang mga kwentuhan nila kasi hindi naman ako nakaka relate.
Nagpaalam ako kay papa na pumasok muna sa bahay dahil may aasikasuhin ako, kahit wala naman talaga. Gusto ko lang makaalis doon kasi naa-out of place na ako.
Nagpasalamat ako sa mga bisita ni papa at umalis na.
Nakahinga na ako ng maluwang nang makaalis, kasi naman hindi ko alam ang gagawin sa mga ganitong pangyayari lalo na ang mga gatherings. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko pag may kumausap sa akin na hindi ko kilala. Naa-awkward ako.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng bigla naman akong hilain ni mama papuntang sala. Andun din pala yung mga kaibigan at katrabaho niya.
"sandali lang anak, ipapakialala lang kita sa mga kaibigan ko"
Eh ano pa ba ang magagawa ko eh hila na niya yung kamay ko. Habang papunta sa sala ay naririnig ko na ang mga tawanan at kwentuhan ng kaniyang mga kaibigan. Kinakabahan ako at baka masalang ako sa matinding interview. Alam ko na kasi ang mga ganitong set up.
Nang marating na namin ang sala ay agad namang tinawag ni mama ang atensiyon ng kaniyang mga kaibigan.
"mga mare! Ito nga pala si Allen, anak ko"
Gaya nga ngiba ay binati din nila ako. Pinaupo muna ako ni mama sa tabi niya. Kumuha agad ako ng fruit juice na nasa lamesa. Bigla kasing natuyo yung lalamunan ko siguro dala na rin ng pagkaka anxious ko.
"Hijo, ilang taon kana?" tanong sa akin ng isang kumare ni mama.
"16 years old po, magse-seventeen na sa susunod na buwan." sagot ko naman dito
Mukhang naging mas interisado pa sa akin ang mga kumare ni mama kaya sunod-dunod pa ang mga tanong ng biglang nagtanong ang isang kaibigan ni mama na ikinabigla ko.
"May girlfriend ka na ba hijo?"
Hindi agad ako nakasagot. Wala naman akong girlfriend pero bakit parang mahirap sabihin?
Tiningnan ko si mama at nakita ko siyang mukhang nag-aantay din ng sagot. Hindi ko na maibuka ang bibig ko kasi naman napaka awkward, nahihiya din talaga kasi ako. Hindi nagtagal at si mama na ang sumagot.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romantizm"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...