"Kailan ko kaya mararanasan ang normal na buhay ng isang estudyante?" bulong ko sa aking sarili sabay pagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
Alas 4 na ng hapon. Andito ako ngayon sa isa isang kwarto na nakalaan para sa aking home shool. Kasalukuyan kong sinasagutan ang pagsusulit na ibinigay ng aking guro. Tungkol ito sa Nervous System. Nasa gitna ako ng pagsagot ng pagsusulit ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "Bespren! kamusta ka?" ang bati nito. Humarap ako sa kinatutunguan niya, di na ako nagulat kasi inaasahan kong darating siya sa ganitong oras. "Eto ayos lang naman, ikaw? kamusta school mo?" pabalik kong tanong. "Wala namang bago" Tugon naman nito.
Araw-araw, ganito ang eksena namin ni Lance, pagkauwi niya galing sa school ay didiretso siya dito sa bahay para mangamusta. Si Lance Elliot Ford, siya ang aking pinakamatalik na kaibigan simula pa nung lumipat kami sa lugar na ito. Magkapitbahay lamang kami kaya pinapayagan siya nila mama at kanyang mga agulang na bisitahin ako rito araw-araw. Hinihintay niya akong matapos sa aking pag-aaral at pagkatapos ay maglalaro kami ng video games sa kwarto ko. Minsan ay dito narin siya natutulog upang samahan lang ako.
Si Lance ay 17 na taong gulang. may taas na 5'8. maganda ang katawan, maputi ang balat. Matangos ang ilong. Mapupula ang labi, mapupungay din ang mga mata. Perpekto siya para sa akin. Ganito kaganda ang taglay na anyo ni Lance, palibhasa Amerikano ang ama nito na kasalukuyang nagtatrabaho sa Canada. Nasa average naman ang katalinuhan nito at sporty pa. Bagay siyang maging modelo ng mga damit.
Ganito lamang ang pagtrato ng mga taong nasa paligid ko dahil sa kakaibang kondisyon ng aking katawan. Mayroon akong karamdaman na nagbibigay limitasyon sa aking mga galaw. Bawal akong pagpawisan ng todo, kapag natuyo ang pawis sa aking balat ay namumula ito at mag-iiwan ng isang suat na tila ba batutunaw na balat. Nagdudulot ito ng masakit at mahapdi sa pakiramdam. Bawal din ako sa mga pagkaing di maayos ang pagkakahanda o pagkakaluto. Nagdudulot ito sa akin ng pagsusuka, pagkahilo, pamumutla at kadalasan ay lagnat. Sensitive ang tiyan ko kaya dapat ay maingat ako sa pagpili ng mgapagkaing kakainin ko. Madalang lang din akong lumabas ng bahay dahil nga sa pag-iingat na hindi mabilad sa ilalim ng araw na nagsasanhi ng pawis.
Fully air-conditioned ang bahay at may generator pa kung sakalingmag brown out. Madalas ay mga gulay, prutas at iba pang piling pagkain lamang ang aking kinakain maliit lamang akong makatikim ng junkfoods. Gaya rin sa sinabi ko kanina, ako ay naka home school. Ito ang mga hakbang ng aking mga magulang upang maprotektahan ako at makaiwas sa mga pinsalang dala ng aking kondisyon. Bagama't may mga vitamins at gamot naman ako eh mas okay namang umiwas."Prevention is better than cure" ika nga nila.
Maayos naman ang economic status namin kaya walang problema para sa aking mga magulang ang mga gastusin at maintenance para sa aking kondisyon. Si papa (Jaimme Lanugan) ay nagtatrabaho bilang isang Engineer. Si mama (Monica Lanugan) naman ay isang abugado. Madalas wala si papa sa bahay dahil busy sa trabaho. Umuuwi naman siya sa gabi. Paminsan-minsan lang din umalis ng bahay si mama.
Ako nga pala si Allen Troy Lanugan. Nag iisang anak ng aking mga magulang. 16 na taong gulang. may taas na 5'7. Hindi mataba, hindi rin namat payat, nasa average lang. Maputi rin ang balat ko, medyo okay din ang katangusan ng akin ilong. Maganda rin ang aking mga mata na kulay brown at may mahahabang pilik mata. Nasa average lang ang ganda ng aking anyo. Pure Filipino po ako. At ang unique part ng aking katawan ay ang aking kilay. Maayos naman ang kapal nito at magkarugtong pa. Mukha itong ibon na iginuguhit ng kabataan katulad ng letter "v".

BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romance"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...