Part 3

48 0 0
                                    


ALLEN*

Maaga akong nagising ngayon, hindi ako makapaniwala dahil naunahan ko pa ang aking alarm. Ginusot ko muna ang aking mata at kinapa ang aking cellphone na nasa lamesang katabi ng aking kama. Binuksan ko ito at nakitang may isang mensahe dito. Mula ito kay James.

James: Goodnight


Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Ewan pero di ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Parang napakagaan ng kalooban ko na parang sobrang saya. Eto kaya ang epekto ng pagkakaroon ng bagong kaibigan?


Biglang naputol ang aking pag-iisip ng biglang tumunog ng aking alarm. Pinatay ko na ito at nagsimula nang gumayak. Nagtuno ako sa banyo upang maligo, nagbihis, nag-ayos at iba pang mga ritwal bago pumasok. Bumaba na ako at nagtungo sa dining area, nakita ko naman si mama na nagluluto ng ulam. Hindi niya ata ako napansin kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran at sinandal ang aking ulo sa balikat niya.

Allen: "Good morning mama"

Mama: "Oh! Good morning din anak, ang aga naman ata ng gising mo"

Nginitian ko lang si mama at kumawala na sa yakap.

Mama: "Oh siya sige, maupo ka na at ihahanda ko na ito"


Inilapag na ni mama ang mga ulam, bigla akong natakamsa aking nakita. Minsan lang kase ako nakakakain ng ga ito kasi kontrolado at dapat maingat ako sa mga pagkain ko. Mayroong bacon, sunny side up, at sausage. Shuxxx! Napakabango talaga. Agad akong kumuha ng kanin at sinimulan nang kumain.

Mama: "Dahan-dahan lang baka mabilaukan ka"

Allen: "Ansarap po kasi eehh, salamat dito mama"

Mama: "Sige, pagkatapos mo diyan wag mo kalimutan yung gamot mo hah, iahhanda ko lang yung baon mo"


Tanging tango lan ang isinagot ko dito kasi punong-puno ang bibig ko hehe. Di naman ako matakaw pero pag ganito ang nakahanda eh para akong nasasaniban HAHA. Nakita ko si manang na umakyat ng hagdanan. Sinundan ko lang ito ng tingin. Pinagpatuloy ko nalang ang akin pag-kain ng almusal nang biglang narinig ko ang pagtawag ni manang sa aking pangalan.

Manang: "Sir Allen, gumising na po kayo!"


Hindi agad ako nakasagot dahil puno pa ang bibig ko, pinipigilan ko lang ang tawa ko kasi nagmumukhang tanga si manang sa ginagawa niya hehe.

Mama: "Manang nakababa na si Allen dito"


Tiningnan ako ni mama at pati siya ay natatawa sa nangyari. Narinig ko naman ang mga yapak ni manang na pababa sa hagdan. Nang nakita niya kami ni mama ay mukhang nagtataka siya kung bakit ang aga kong nagising.

Mama: "Sorry manang, di ko nasabi sa inyo na nagising na si Allen" sambit ni mama na pinipigilan parin ang tawa.

Allen: "Oo yaya, maaga akong nakagising eh sorry po" napahagikgik ako ng kaunti


Napakamot nalang ng batok si manang na tila ba ay nahihiya sa nangyari at umalis na. Napansin ko namang wala si papa. Nakasanayan ko na rin kasing maabutan siya dito na nagkakape at nagbabasa ng news paper.

Allen: "Ma, nasan po si papa? Hindi pa po ba gising?"

Mama: "Ayy naku, maagang umalis ang papa mo, marami dawdapat na gawin sa trabaho"

MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon