Part 10.5

3 0 0
                                    


Nakasanayan ko na ang tumambay sa may balkunahe ng bahay tuwing umaga upang pagmasdan ang mga nakagawian ng mga tao rito at nang sariwain na rin ang magandang tanawin.

Naisipan kong bumalik sa silid kung saan naroroon ang mga aklat. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa librong aking nakita noong nakaraang araw.

Tahimik lang ang buong paligid at tanging huni lamanng ng mga ibon at ihip ng hangin  lang ang maririnig. Tumayo ako at tinungo ang sulok kung saan nakalagay ang music box at pinatugtog ito. Kaysarap talagang pakinggan ang mga lumang kanta. Kahit napaglumaan na ng panahon ay di parin kumukupas ang ang hiwagang bumabalot sa bawat liriko nito.

Nakatulong ang magandang musika sa aking pagbabasa dahil ginagawa nitong mas makabuluhan at madrama ang kwento. Aliw na aliw ako sa aking pagbabasa na kahit ang oras ay di ko na namalayan. Alas dos na pala ng hapon, hindi pa ako nakakain ng pananghalian pero di pa rin naman ako nagugutom. Natapos ko na ang librong aking  binabasa kaya naisipan kong pumunta muli sa balkonahe upang magpahangin.

Tirik ang araw ngunit di naman ito sobrang init. Naupo ako sa nilalasap ang sariwang hangin.

Sa aking pagmumuni-muni ay naalala ko ang mga kaganapan noong gabi ng pamamasyal namin ni kuya Harold kasama ang kaibigan niyang si Mark.

huminto kami sa isang burol sa ilalim ng napakalinaw na kalawakan. Kayganda ng tanawin. Wala masyadong mga bahay sa paligid kaya kakaunti lang ang ilaw at nangingibabaw ang pagsakop ng dilim at tanging kislap lamang ng tala at sinag ng buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa amin.  Lahat ng iniisip koy bigla ko nalang nalimot dahil sa pagkahipnotismo. "Allen, halika maupo ka rito, kanina ka pang nakatayo diyan, di ka ba nangangalay?" pagputol ni kuya Harold sa aking pagmumuni. Napalingon ako sa gawi nila ni Mark. Pareho silang nakahiga sa damuhan at ginawang unan ang kanilang mga kamay. Umupo ako sa tabi ni Mark habang nasa tabi niya naman si kuya Harold. "Dito ang sikretong tambayan namin ng pinsan mo simula pa nung kabataan namin" napatingin ako kay Mark na ngayon ay naupo na rin pala sa aking tabi. Nakangiti ko itong tinanguan at ibinalik ang tingin sa kalawakan. Sa hindi malamang dahilan ay itinaas ko ang aking dalawang kamay na para bang sinusukat ang distansya ng mga bituin. "Ang ganda dito" sambit ko. "Tama ka, kaysarap pagmasdan ang tanawin" sambit ni Mark na nakatitig lang sa aking gawi. Nakakailang ang ganoong uri ng titig kaya pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Tumagal pa kami roon ng ilang minuto at si kuya Harold naman ay pinapalipas muna nag pagod sa pagpadyak ng bisekleta. "Tara na, nagugutom na ako eh" pagbasag ni kuya Harol sa katahimikan. Gumayak na kami at umuwi na nga. Hindi nalalayo ang bahay nila Mark sa tinutuluyan namin kaya ihinatid nalang namin ito kasi madadaanan lang din naman ito. Huminto kami sa tapat ng kanilang tarangkahan at nagpaalam na. "Pano tol mauuna na kami" sabi ng pinsan ko. "Sige tol salamat" ang nakangising sagot naman dito ni Mark at ibinaling sa akin ang kaniyang tingin. Kitang kita sa kaniyang mga mata ang saya ngunit mukhang naiilang sa akin. "Ah-eh paalam Allen, ingat kayo" nauutal niyang sabi. "Paalam din" sagot ko naman sabay ngiti ko sa kaniya. Kahit na madilim ang paligid ay pansin kong parang namula siya. Anong nangyari dun? Nagsimula nang pumadyak si kuya Harold at narating na nga namin ang bahay.


MY FIRST AND LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon