Unti-unti akong nakaramdam ng ibayong hapdi at sakit sa buong katawan. Pilit kong ialaw ang aking braso. Nahihirapan akong gumalaw dahil sa bawat kilos ay may dalang kirot ang mga sugat at pasa na dulot ng pagkabugbog. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Napakaliwanag, bat puro kulay puti ang nakikita ko? patay na ba ako? Lord di pa ako handa.
Isang imahe ng makisig na lalaki ang biglang lumitaw sa aking paningin ngunit di ko maasiwa kung sino iyon dahil medyo malabo pa ang aking paningin. Ilang beses ko pangipinikit ang aking mata at binuksang muli bago ko makita ng malinaw ang lalaki. Si James! anong ginagawa niya dito? Patay na rin kaya siya?
James: Hoy! Allen!
Allen: ...
James: Allen! kamusta pakiramdam mo? Hoy! magsalita ka!
Nakikita ko ang kaniyang bibig na gumagalaw na tila ba'y may sinasabi ngunit di ko ito marinig dahil nakatuon lamang ang aking atensiyon sa kaniyang napakaamong mukha. Napakakinis, magandang mata na tila ba'y isang diyamanteng tinamaan ng ilaw, ang matangos na ilong, at mapula-pulang labi. Shet! bakit ba ganito ang iniisip ko? Oo alam ko sa sarili kong malambot ako pero di ko pa nasusubukang pagpantasiiyahan ang aking kapwa lalaki lalo't kaibigan ko pa.
Nahinto ang aking pagpapantasya nang nakaramdam ako ng kirot sa aking balikat, inuuga-uga niya pala ako. Nakikita ko ang bakas ng awa at pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Allen: Hah? aray!
James: Ay sorry, kamusta? ano nararamdaman mo?
Allen: Nasaan ako?
James: Andito ka sa clinic, oh ano nararamdaman mo?
Allen: Medyo masakit ang buong katawan ko James, di ako makagalaw ng maayos.
Allen: Teka, paano ako napunta rito?
James: Nabasa ko ang mensahe mo kaya hinanap kaagad kita.
Ikinuwento ni James ang mga nangyari kanina mula sa pagtext ko sa kaniya hanggang sa narating namina ng clinic.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng clinic. May mga nakahilerang higaan para sa ibang psyente at makikita naman sa di kalayuan ang table ng school nurse. Napadako ang aking paningin sa orasan, Shux! Alas kwatro singkwenta na, antagal ko nawalan ng malay. Paano na ako nito? lagot aki kila mama.
Pinilit kong bumangon, tiniis ko ang bawat sakit at kirot na nararamdaman sa bawat galaw ng aking katawan. Ngunit bago paman ako nakabangon ay pinigilan agad ako ni James.
James: Oh! humiga ka lang, magpahinga ka, bawal kang gumalaw.
Allen: Sila mama, lagot ako nito , magagalit sila sa akin, kailangan ko nang umuwi.
James: Huwag kang mag-alala, tinawagan na sila ng school nurse, darating din sila mamaya
Allan: Pero...
Magsasalita pa sana ako pero agad niyang itinapat ang kaniyang hintuturo sa aking mga labi upang ako ay matahimik.
James: Shhh! humiga ka nalang at magpahinga at baka lumala pa yang mga pasa at sugat mo.
Wala na nga akong magawa. Tinawagan na sila mama ng school nurse kaya di na ako magtatakang alam na nila ang nangyari sa akin. Natatakot ako sa magiging reaksiyon nila. Ano kayang gagawin nila sa akin?
Inayos ko ang aking pagkakahiga. Napalingon ako sa gawi ni James na nasa tabi lang ng hinihigaan kong kama, nakatitig lang ito sa akin. Hindi parin nawawala ang bakas ng awa at pag-aalala sa akin. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata upang matulog pero di ko magawa dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman sa buong katawan.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romantizm"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...