Hi Allen,
Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ako nagsulat ng mensahen ito. Gusto ko lang namang ipahayag at ipaalam sa iyo ang aking mararamdaman. Alam kong hindi maganda ang simula ng ating pagkikita diba kaya't humihingi ako ng pasensya. Hindi ko makalimutan ang bawat oras na kasama kita. Aalagaan at sasariwain ko ang mga ala-alang ating nagawa. Kahit na isang linggo lang naman kitang nakasama ay sulit naman. Hinding-hindi ko pinagsisihan ang makilala ka.
Naalala mo pa nung araw na nagkita tayo sa kakahuyan malapit sa ilog. HAHAHAHA kung nakita mo lang sana ang mukha mo pag nagagalit ka. Naalala mo ba nung araw na bumisita kayo ni Harold sa niyogan? yung araw na yun, dun na nagsimula eh. Nung gabi ding iyon na tumambay tayo saming tambayan ay sobrang ilang ko na sa iyo. Ewan ko ba kung normal tong pakiramdam ko eh. Mukha ata akong napipe dahil di ko magawang makipag usap ng maayos.
Yung araw na tinuruan kitang magbisikleta? Naaalala mo pa ba? Sobrang saya ko nung araw na yon dahil tuluyan na nga kitang nagibg kaibigan. Nung huling pasyal natin sa tulay, hindi ko na talaga matiis tong nararamdaman ko. Hindi ko magawang tumingin sa iyong mukha dahil alam kong mangugulila lang ako at hahanap-hanapin ko iyon. Hindi na ako nagsalita kasi sinusulit ko na ang bawat patak ng segundong kasama kita kasi naman eh walang kasiguraduhan kung kailan pa iyon mauulit.
Hindi ko na pahahabain ang mensaheng ito. Gusto ko lang talagang sabihin na may gusto ako sa iyo.Gusto kita hindi bilang isang kaibigan ngunit higit pa roon. Hindi ko magawang aminin sa iyo ng harap-harapan dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Hindi naman ako bakla pero di ko rin alam kung bakit ko ito nararamdaman sa iyo. Kahit sa maikling panahon kitang nakilala ay alam kong totoo ito. Ipinapangako kong hindi ito ang huli nating pagkikita. Sa oras na makapagtapos ako ng pag-aaral ay hahanapin kita sa syudad. Liligawan kita at gawing akin. Tandaan mo iyan.
Labis na nagmamahal,
Mark

BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romance"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...