Sa kadahilanang ayaw kong manatili ng matagal sa hospital ay sinikap kong magpagaling agad. Makalipas ang dalawang araw ay pinahintulutan na ako ng aking doktor na pwede na akong i discharge. Syempre tuwang-tuwa ako kasi naman makakalabas na. Si James? Siya lang naman ang nagpaiwan at nagbantay sa akin hanggang sa makalabas na ako. Pinapauwi ko nga siya that time kaso matigas ang ulo ni mokong. Daming dahilan, kasi nga eh nakapag paalam na daw siya kay tita Steff na aalagaan niya ako hanggang sa makalabas. Syempre hindi ko maiwasang kiligin that time pero di ko pinahalata at baka magduda pa siya. Mahirap na at malaman niya ang tunay kong pagkatao na labis kong tinatago. Sayang naman yung pagkakaibigan diba kung mawawala at masasayang lang dahil sa isang simpleng bagay. Hayst.
"Nak, bilisan mo na diyan, ilang saglit nalang ay aalis na tayo" ang sigaw ni mama mula sa sala. Andito ako ngayon sa kwarto. Inihahanda at nag eempake ng mga kakailanganin kong damit para sa bakasyon namin sa probinsya. Di ko na sasabihin kung saan yun basta yung lugar na iyon ay ang lugar na kinalakihan ni mama.
"Opo ma, malapit na akong matapos dito" Sagot ko kay mama habang pinapasok sa bag ang mga nakatuping damit.
Magtatagal lamang kami ng isang linggo doon. Syempre kahit na saglit lang kami doon ay sobrang excited ko kasi nga naman eh sabi ni mama ay sanggol pa lang daw ako noong unang punta ko doon.
Ini imagine ko na ang mga masasayang bagay na pwedeng gawin doon. Ano nga ba ang pwede? total eh malayo ito sa syudad ay siguro ay tahimik at payapa ang buhay ng mga taga roon. Nabanggit din ni mama na mayroon silang palayan at taniman ng mga gulay at prutas doon. Yieee! Hindi na ako makapag hintay. Gusto ko nang maranasan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon.
Isasara ko na sana ang zipper ng bag nang biglang tumunog ang aking cellphone. May tumatawag. Huh, bago to ah. Himala at tumawag si mokong. Nakasanayan na kasi namin ang text at chat lang pero ngayon eh tumawag siya, anong meron?
Sinagot ko ang tawag nang may pagtataka. "Hello?" pambungad ko sa kaniya. "Ui, aalis na kayo?" tanong ni James na aking ipinagtataka kung paano niya nalaman na aalis kami ngayon.
"Hah? Oo aalis kami nagyon, wait, pano mo nalaman na aalis kami? at bakit ka tumawag eh pwede mo naman itext?" Medyo nang uusisa kong tugon sa kaniya. Hindi agad nakasagot si James kaya muli akong nagsalita.
"Hoy, andyan ka pa ba?" tanong ko.
"Ah, oo nandito pa, sorry may pinulot lang" sagot nito.
"Bawal bang tumawag? eh masasayang ang load ko pag hindi nagamit kaya nilubos ko na" ang pagpapaliwanag niya.
"Ahh okay, paano mo nalaman na aalis kami?" tanong ko sa kaniya ulit, di niya pa kasi sinasagot eh.
"Syempre nabanggit sakin nila tito at tita noong nakaraan. Gusto ko nga sanang sumama kaso hindi ako pinayagan ni mama kasi nga raw eh family trip niyo daw yun, dapat daw ay hindi na ako makisawsaw sa pamilya niyo" ang medyo mataas na paliwanag ni James na ramdam kong may pagka malungkot ang tono ng kaniyang pananalita. Kaya medyo natawa ako dun sa part na hindi siya pinayagan, grabe talaga, halos araw-araw na nga siyang nandito sa bahay tapos pati ba naman sa family trip namin ay gusto pang sumama HAHAHA.
"Nak, bumaba ka na, aalis na tayo" boses yun nimama, kaya agad na akong nag paalam kay James.
"Rinig mo naman siguro yun diba? Sige aalis na kami, kita nalang tayo next week" sabi ko sa kaniya.
"antagal pa nun" mahina ang pagkabigkas ni James kaya hindi ko naintindihan.
"hah? may sinasabi ka?" tanong ko sa kaniya.
"Ah wala, sige na, gumayak ka na nang hindi ka pagalitan ni tita" sabi naman nito na halatang nalulungkot.
"Sige bye, kitakits next week" pagkatapos nun ay pinutol ko na ang tawag. Sinigurado ko munang handa na ang mga gamit na aking dadalhin at sinuri ang buong kwarto kung may mga nakasaksak pa na mga appliances wala kasing maiiwan dito sa bahay kasi pinagbigyan nila mama ang katulong at si kuya dan ng rest kaya umuwi din sila sa kani-kanilang pamilya. Nang makasigurado ay agad na akong bumaba ng kwarto.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romance"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...