Hinawi ko ang hangin kung saan sya nakatayo kanina ngunit wala na talaga at nang tingnan ko ang paligid ay sobrang dilim na at ako lamang ang naroroon sa madilim na lugar na iyon. Kahit na ang mga paro-paro ay naglaro na rin na ang tanging naiwan ay ang isang asul na paro-parong nanatili sa aking ilong na dahilan upang akoy mabahing muli.
Kasabay ng aking pagbahing ang pagmulat ko sa aking mga mata. Dito ay nakita ko si Kuya Harold na nakangising nakatitig sa akin kaya agad akong tumayo dahil sa hiya. Nahulog ang binasa kong libro kanina kaya pinulot ko ito at ibinalik sa kabinet.
"Sorry kung nakialam ako dito" paghingi ko ng paumanhin kay kuya Harold ngunit mahinang tawa lang ang kaniyang itinugon kaya nagtaka ako.
"Naku ayos lang Allen, ang cute mo pala pag natataranta" sabat naman niya kaya hindi na ako nakapagsalita dahil sa paglkakahiya. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko sa bintana na sika na sikat na ang araw kaya naalala ko ang lakad namin ni Kuya Harold.
"Kuya anong oras na ba" tanong ko
"10:15 na" naku napasobra ata ang tulog ko
"Kuya maglakad pa tayo ah bat di mo ako ginising"
"Kita ko kasing himbing na himbing ka sa pagtulog kaya di na kita inisturbo tsaka kararating ko lang din naman"
Dahil nga nahuli na kami sa oras ay agad akong naghanda. Nakakahiya naman at paghintayin ko pa si kuya Harold. Late na nga kami eh babagal bagal pa its a big no no. Bumaba na ako ng tarangkahan dahil duon namin napagkasunduan na magkita. Pagkababa ko pa lang ay agad ko naman napansin ang isang bisikletang may naka kabit na sidecar na pwedeng upuan ng dalawang tao.
"Tara na?" pagyaya ni kuya sakin.
"Ito ba saskyan natin kuya?" tanong ko naman
"Ah, oo eh, hehe pasensya na, wala kasi kaming sasakyan eh, ayaw mo ba?" Napakamot sa batok si kuya harold habang binibigkas ang mga salita.
"Hindi po, gustong ko po, nasasabik po ako kasi naman first time kong sumakay ng ganyan" ang agad kong sagot baka kasi isipin nilang maarte ako.
"Oh sya sige sumakay ka na dito sa sidecare nang maka alis na tayo"
"Sandali lang kuya, magpapa-alam lang muna ako kila mama at papa"
"Di na kailangan, sa katunayan nga eh sila pa nagrequest na ipasyal ka dito at tsaka wala sila diyan, nandoon sila sa sakahan namamasyal din"
Wala na akong nagawa kundi sumakay na nga. Kaya pala pansin kong wala masyadong tao sa bahay kanina kasi abal ang mga tao sa kani kanilang trabaho tsaka di man lang sinabi nila mama na aalis sila. Hayst. Mainit ang sikat ng araw pero mabuti nalang at may bubong ang bisikleta na para bang isang tricycle.
Habang abala sa pagpapadyak si kuya Harold ay abala rin naman ako sa paglasap ng sariwang hawing na sumasalubong sa aking mukha. Kita ko rin dito ang mga bagay na sa bukid lang makikita. May mga truck din na dumadaan na may dalang ibat ibat produkto na mukhang iaangkat nila iyon sa bayan. Makalipas ang ilang minuto sa pagbabyahe ay narating na namin ang aming unang destinasyon.
Andito kami sa taniman ng mais. Malawak ang taniman kaya napakagandang pagmasdan ng paligid. Timing naman at harvest season ngayon ng mais kaya pinanood ko kung paano nila hinaharvest ang mga mais. Dahil sa sweet corn ang kanilang variety ng mais ay malakas daw ang kita nito sa merkado.
Pumunta kami sa isang kubo na pahingahan ng mga nagtatrabaho. Nang marating ang kubo ay nagpaalam si kuya Harold na may kakausapin lang kaya nanatili akong nakatayo sa isang sulok kung saan malaya kong natatanaw ang malawak na kapaligiran. Kitang kita sa mga mukha ng mang gagawa na pulido at maayos ang kanilang trabaho, mga pasisipag. Kahit nakatirik ang araw ay wala silang pakialam. Kita ko rin ang isang makina kung saan inilalagay ang mga pinatuyong mais upang ihiwalay ang laman at ang parteng hindi napakikinabangan.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romance"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...