"Sa tingin mo san ang punta ng barkong yon?" marahan akong napalingon kay James nang ito'y magtanong.
"Sa Amerika? o di kaya sa Aprika, pwede ring sa Europa. Di ko alam. Ikaw, ano sa tingin mo?" balik kong tanong sa kanya. Sino ba naman ang makakaalam ng destinasyon ng barkong may dala-dalang container vessels.
Andito nga pala kami sa parke sa tabi ng dagat kung saan ko unang natikman ang street foods. Medyo hindi magandang karanasan yon pero sulit din naman ang mga ala-ala.
Ilang linggo na rin pala nang makaa-uwi kami galing sa probinsya. Alam kong alam niyo na sobra akong nag enjoy sa isang linggo naming pananatili doon. Ibang-iba ang lugar na yon kung ikukumpara dito sa syudad. Meron din naman magagandang tanawin dito pero iilan at pili lamang. Pasalamat din ako at nagkaroon ako ng bagong kaibigan doon, si Mark. Speaking of Mark, hindi ko inakalang magkakagusto sya sa akin. Sa unang tindig pa lang ay lalaking lalaki na ang dating. Sa hubog palang ng pangangatawan at sa pagsasalita ay masasabi mong tuwid ito. Di ko alam kung ano ang mararamdaman matapos basahin ang mensaheng kaniyang ibinigay. Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong magpasalamat? o mainis? Gulong-gulo talaga ako nang dahil sa pag amin niya.
"Sa tingin ko, ewan. Hindi ko rin alam kung san yan patungo. Gaya ng nararamdaman ko sa iyo" tinignan ko siyang may pagtataka. Hindi ko kasi narinig ng maayos ang huli niyang sinabi.
"Wala, ang sabi ko, hindi ko rin alam kung saan yan patungo" lumingon ito sa akin ng nakangiti at sumagot. Ang ganda pagmasdan ng kaniyang mukha pag natatamaan ng kulay kahel na sinag ng araw. Mas na eemphasize ang kaniyang facial features.
"Hindi yan yan, yung ibig kong sabihin ay yung huli mong sinabi. Aano yun? di ko narinig ng maayos" may pagtataka kong tanong sa kaniya.
"Huh? meron ba? wala naman akong sinabi pa ah" ang natatawa niya pang tugon sa kain. Alam kong nagkukunwari lang siyang walang alam. Narinig ko yun eh kaso hindi nga lang malinaw. Hindi ko nalang ito pinilit dahil alam kong di niya rin naman ito sasabihin.
"Halika nga dito bestfriend" umakbay siya sa aking balikat at napasinhap ako nang hinila niya ako papalapit sa kaniya.
Medyo hindi ako komportable sa pwesto nmain ngayon dahil sa sobrang magkadikit kami. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan at amoy ko rin ang kaniyang pabango. Sinubikan kong kumalas pero mas hinigpitan lang nito ang pagkaka akbay sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang ilapat ang aking ulo sa kaniyang blikat. Ramdam kong nagulat sya sa aking ginawa dahil napalingon ito sa akin ngunit ibinalik niya rin anamn ang kaniyang tingin sa tanawin. Paminsan lang ito kaya ay susulitin ko na. Hindi naman sa nag te take advantage ako sa sitwasyon pero kailangan ko talagang isandig ang aking ulo sa kaniyang balikat dahil kung hindi ay magreresulta ito sa stiff neck at ayaw ko yun noh.
"Dalawang linggo nalang ay college na tayo" pagbasag ni James sa katahimikan.
"Saan mo gustong mag aral?" dagdag na tanong nito.
"Gusto kong mag-enrol sa State University dito. Ikaw? san mo gusto?" sambit ko habang nakatitig lang sa barkong papalayo na unti-unting naglalaho.
"Di ko pa alam eh, sabi ni mom at dad pwede daw akong magcollege sa Australlia, nandud kasi ang ibang kamag-anak namin".
Medyo nalungkot naman ako sa narinig. IIwan niya rin kaya ako gaya ni Lance? sila na nga yung mga natatangi kog kaibigan pero iiwan din naman. Sana naman hindi mangyayari yun. Hindi nalang ako sumagot at nanatiling tahimik lang.
"Anong kurso nga ba ang kukunin mo?" pag oopen ulit nito ng topic.
"Business Ad. Gusto ko kasing magtayo ng negosyo para. Ikaw anong gusto mo?"
"Oh nice, gusto ko nila dad na mag Business Ad din ako kaso nandyan na sila ate at kuya para magmanage ng negosyo nila mom at dad"
"Ako, gusto ko talaga maging doktor. Medyo mahaba nga lang ang proseso pero alam kong magugustuhan ko naman yun."
Hindi na namin namalayan ang oras. Nagsimula nang magdilim at umilaw ang magagandang street lights sa parke. May iilan din namamasyal at naglalakad- lakad dito. Karamihan ay magkasintahan. Sinariwa ko nalang ang llamig ng hangin at ang magagandang bituin sa langit.
Sobrang saya ko ngayon. Dati ay pinapangarap ko lang ang mamuhay ng normal. Laging naka kulong sa bahay at limitado ang kinakain. Ngayon, pinapayagan na ako nila mommy. Sabi nang doctor sa bawat check-up sessions namin ay bumubuti na raw ang aking kalagayan. Mas matibay na raw ang aking immune system kaya mas malakas na ako kung ikukumpara dati. Kahit na maayos na ang aking lagay ay kailangan ko parin daw maging maingat dahil pwede pa raw itong matrigger.
Nangangalay nako sa aming pwesto kaya sinubukan kong tumayo kaya lang mahigpit ang pagkaka akbay sa kin ni James.
"James, anong oras na oh, kailangan na nating umuwi" sabi ko dito sabay lingon. Ngunit laking gulat kong nakatingin lamang ito sa akin. Dahil nga sa sobrang lapit ng aming pwesto ay iilang sentimetro nalamang ang pagitan ng amin mga mukha. Ramdam ko na ang kaniyang paghinga at amoy na amoy ko ang kaniyang amoy. Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mukha akong naging bato. Nanigas na ako sa aking kinauupuan.
Nagtagal pa ang aming titigan ng ilang segudo at ramdam ko ang dahan dahang paglapit ng kaniyang mukha. Ngayon ramdam ko na ang init ng kaniyang paghinga. ilang sentimetro nalang at mangyayari na ang hindi dapat mangyari. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit. Ilang segundo pa ay ramdam ko nang maramdaman ko ang kaniyang ilong na lumapat sa aking ilong.
At pagkatapos ay ang
ang
ang
ang
ang
kaniyang...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST
Romance"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang t...