GHA Chapter 28When something good happens, opposite will follow.
That's the downside of happiness. Hindi ka pwedeng masanay dahil sa isang kisap mata lang, maglalaho na agad ito na parang bula.
I always keep that truth in my mind and I always prepare myself for situation like this. Ilang beses ko na ito naranasan hanggang sa nasanay na lang ako na tanggapin ito.
Ganon'n naman, right? Kapag masaya ka, later on, papalitan ito agad ng lungkot. Ang nakakatakot pa, hindi mo alam kung kailan. Minsan nga nananadya pa; kung kailan nasanay ka na sa tao at kung kailan ka pinakamasaya, bigla kang babawian ng tadhana sa pinakamasakit na paraan.
"May nag-e-emote sa likod."
"Support na lang natin. Hey, sad bitch. May request ka bang kanta? Para damang-dama 'yung mood dito sa loob ng kotse."
Lumingon ang dalawa kong kaibigan kaya iniharap ko sa kanila ang screen ng cell phone ko.
"Hindi ako nagda-drama rito. I'm checking my midterm grades!" I said in defense, but they didn't buy it.
"Hindi ako naniniwalang sa grades 'yan malungkot. What do you think Jerica?"
"Same bitch. Hula ko nasasaktan siya. Giniginaw sa panlalamig ng isang tao habang naiwang nag-iisa sa ere."
"Ghosting gone wrong!"
And they both bursted out laughing. "Awooh! Awooh! Hahaha!"
"Tangina," the only word I uttered because of sudden frustration.
Mga demonyong kaibigan. Mapipikon ka na lang talaga.
"But anyway Chen, alam naming na-miss mo na siya at nasasaktan ka dahil gusto mo na 'yung tao."
"Correction guys, hindi ako na-ghost. He asked me to leave him for a while, so I did. Kawalan ko ba na pinalayo niya ako? Hindi. Kaya hindi rin dapat ako 'yung masaktan."
"Pero nasaktan ka."
Hindi ako nakapagsalita sa pangdi-diin ni Kyela.
Honestly, nasaktan ako. I didn't expect that stupid words 'layuan mo muna ako' were enough to hurt me.
But still, I granted his favor. No question asked. Iniwasan ko muna na puntahan or kausapin siya. Pang-tatlong araw na ngayon.
Wala akong balita kung kumusta na siya. I kept on asking update from Farah, but no response. Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko kaya hinayaan ko na.
I found a good distraction. Nag-review ako para sa midterm examination. I tried to bury myself with schoolworks rather than dwelling on sadness and all the shits that happening to me.
Na-impluwensiyahan ako ni Cyron mag-aral kaya ginamit ko na lang 'yun para i-divert ang atensyon ko. It worked. Pasado ako sa exam at midterm grades—na ngayon na lang ulit nangyari by the way.
Plus, pansamantala ko pang nakalimutan na nasasaktan nga pala ako. Naramdaman ko lang ulit dahil pinaalala ng mga mababait kong kaibigan.
"Gaya ng madalas mong sabihin—silence means yes. But, that's okay, Chen. Normal 'yan."
"Yes girl. Nowadays, normal na masaktan kahit walang label," simpatiya ni Jerick. "Just feel the pain though. Don't deny it."
I shifted my eyes to the view outside.
"Nung araw na sinabi niyang layuan ko siya, nasaktan ako. Dahil maybe nasanay ako na ako 'yung nagtataboy sa isang tao. But, I'm okay now. Nakakaya ko na 'yung absence niya. Sorry na lang kung masanay na akong wala siya at tuluyan ko nang tigilan."
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...