Chapter 12

5.4K 198 43
                                    


GHA Chapter 12

"Shit!"

Nakagat ko ang aking labi upang kimkimin ang sakit at pigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Ugh! Ang init na nga ng ulo ko ngayon, nakikisabay pa ang mga niluluto ko!

"Anong nangyari? Ayos ka lang?" Lumapit si kuya Francis at hininaan niya ang apoy.

"Wala naman. Nagulat lang," I pretended and forced a smile.

"Be careful. Tapusin mo na 'yan then pahinga ka na," aniya at binalikan na ang gawain.

Patago kong sinuri ang aking kamay at napansin ang pamumula nito. I feel sorry for my skin. Ilang beses itong napaso at natalsikan ng mantika. I'm not that careless, sadyang bad mood lang ako buong araw kaya naaapektuhan ang trabaho.

Nang matapos ang aking shift, agad na akong nagpaalam at umalis. I really wanted to go home and have a beauty rest. But unfortunately, kailangan ko munang ma-stress sa pag-uwi dahil wala akong masakyan.

Since wala akong inaasahan na susundo sa 'kin at hindi ko afford mag-taxi, wala akong choice kundi mag-abang ng jeep. Kaso, mukhang pahirapan sumakay 'pag ganitong oras.

Mas nayamot ako sa pag-aantay nang matanaw ko si Cyron na papunta sa direksyon ko. Dumako ang kaniyang tingin sa 'kin kaya mabilis akong umiwas at hindi siya pinansin kahit pa nakatayo na siya ngayon sa tabi ko, halatang nag-aabang din ng masasakyan.

"Oh dalawa na lang! Sakay na!" sigaw ng driver na huminto sa tapat namin.

Walang kumibo sa amin ni Cyron. Parang hinihintay niya na mauna akong sumakay. Samantala, medyo hesitant naman ako kung sasakay ba or mag-aabang na lang ng panibagong jeep.

Napansin ko na sumulyap muna si Cyron sa akin bago naunang humakbang. Pasimple ko siyang pinanood lumakad. Nakasukbit ang kaniyang bag sa kanang balikat habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng slacks.

Nang makasakay na siya, dinungaw ako ni manong driver.

"Saan ka hija? Kas'ya pa isa!"

I shook my head and crossed my arms. Kung sasakay ako, baka isipin nung lalaking 'yon na sinusundan ko na naman siya, kahit hindi!

"Matagal kang maghihintay riyan. Ikaw bahala hija."

Aandar na sana ang jeep ngunit pinigilan ko na agad 'yung driver. I changed my mind. Uwing-uwi na ako at ayokong maghintay ulit.

Napilitan akong sumakay at napansin ang bakanteng upuan sa tabi ni Cyron. Doon ako umupo at binalewala ang presensya niya. Kung sa ibang pagkakataon, for sure, matutuwa ako. But now? Hindi. I have a terrible day. Wala ako sa mood kaya mag-iinarte muna ako ngayon.

"Sa Ylarde po. Isa," sabi ko sabay abot ng bayad sa lalaking katapat ni Cyron. Kahit siya ang mas malapit, sinadya ko na hindi i-abot sa kaniya ang bayad ko.

"Pasuyo naman." Medyo nilakasan ko na ang aking boses dahil hindi ako nililingon nung lalaki.

I rolled my eyes in annoyance. Sa iba na sana ako makikisuyo ngunit si Cyron na ang kumuha at nag-abot ng bayad ko. Napatulala ako ng ilang segundo. I cleared my throat and looked away.

Why do I feel conscious and uncomfortable all of a sudden? Hindi ito ang first time ko na sumakay sa jeep. Maybe, it's because of this man, sitting beside me. Sobrang lapit niya! Hindi ko 'to sinasadya, talagang magkadikit ang braso namin na kulang na lang ay kapitan ko ito at sumandal sa balikat niya para instant couple na kami.

But syempre hindi ko gagawin 'yon! Hindi pa rin mawala ang inis ko sa kaniya at sa kaibigan niyang babae.

"Sukli sa bente!" sigaw ni manong driver.

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon