Chapter 8

6K 205 11
                                    


GHA Chapter 8

Going to school just to study is quite boring for some people like me, who are shameless and guilty for being a lawbreaker and adventurous as hell.

And to put it in literal sense, talagang lumabag ako sa patakaran at nag-adventure kasama si Kyela. Nag-cutting class kami sa first and second period namin para libutin ang buong university.

Mahalagang malibot muna namin ang pasikot-sikot dito para maging familiar kami sa bawat room, faculty at mga facility na mayroon dito.

Isinabay na rin namin ang pagbo-boy hunting sa bawat department, especially, ang paghahanap kay Cyron.

It seems like we have a mission called: Finding the elusive handsome creature.

Napahalakhak ako bigla sa kalokohan ko.

Pero napasimangot din agad dahil hanggang ngayon, walang progress ang paghahanap namin!

"Cafeteria muna tayo Chen. Tinext ko na si Jerica na sumunod doon," aya ni Kyela na napagod na rin maglibot. Sumama ako at napansin na may mga estudyante nang kumakain at nakatambay sa bawat table.

Parang food court ang cafeteria rito. Ang daming pagpipilian na tinda at halos lahat ay budget meal o mga affordable ang presyo.

"I'd like to try their milk tea," sambit ko habang tumitingin na ng flavor.

"Sige diyan ka muna. Hahanap ako ng makakain," paalam ni Kyela at sa ibang store nagpunta. Dahil pangalawa naman ako sa pila, kalmado akong naghintay habang patingin-tingin sa paligid.

When it's already my turn to order, sinabi ko na ang flavor na gusto ko at naghintay uli ng ilang segundo.

While waiting for my drink, I didn't miss to notice the guy who stood beside me. Nakatingala siya sa menu at seryosong pumipili. Nice strategy. This guy has no intention to order. He's just pretending to make me notice his existence. I knew it too well 'cause I used to do it. Besides, his gesture is so obvious.

"100 pesos." Dumako ang tingin ko sa aking inumin at sa nagtitinda na nag-aantay ng bayad.

To my regret, I didn't check the price first before buying this large-sized milk tea. What the heck! Napagastos agad ako! Nakalimutan ko na wala pala akong daily allowance at kailangan kong magtipid pansamantala.

I was about to get my last money when someone stopped me. Siya na ang nagbayad at kumuha ng inumin ko.

"Here. Consider it as my treat." Inabot ko ito at nginitian 'yung lalaki. What a relief. Ligtas ang isang daan ko.

"You don't need to pay for me. But, thank you...uhm, what's your name?"

Inilahad niya ang kaniyang kamay at malapad na ngumiti sa akin. Well, admittedly, this guy is handsome and so manly.

"Errol. My name is Errol. And you are?"

"Jillian Chen." Nakipagkamay ako at bumitaw din agad. I heard a group of men from the center table shouted their support for this guy. Nagkakatuwaan sila habang ang lalaki sa tabi ko ay medyo nahihiya na.

"Mga kaibigan mo?" tanong ko.

"Oo. Pasensya na. Maiingay talaga sila."

I gave him a reassuring smile. "No problem. Oh! Nakita ko na ang kaibigan ko. Aalis na ako. Salamat uli."

Hahakbang na sana ako paalis ngunit natigilan ako nang bigla niya akong tinawag. Susungitan ko na dapat pero nilibre niya nga pala ako.

"Yes? May nakalimutan kang sabihin?"

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon