Chapter 35

3.9K 151 39
                                    


GHA Chapter 35

Magkahalong gulat at pagkalito ang unang napansin ko kay Cyron nang magtagpo ang mga tingin namin.

I gulped.

Kahit awatin ko man ang sarili sa lantarang paninitig sa kaniya, hindi ko magawa. Mistulang may sariling desisyon ang mga mata ko kaya hindi nagpapatinag.

Cyron was about to approach me, but when he noticed that I was gawking at his tempting body, he grabbed his shirt and hurriedly wore it.

And that ended my reverie.

Nahimasmasan na ako nang lumapit siya at nagmano sa kanyang lola.

"Si Jillian, binibisita ka," turo sa akin ni lola Rocena.

Cyron glanced at me, then tore his sight off right away. Bumaling siya sa kaniyang lola at naiilang na tumango.

Nahiya siguro siya dahil topless siyang dumiretso rito at ako pa ang bumungad sa kaniya.

Wala siyang dapat ika-ilang. I don't mind seeing him like a model in the centerfold of a magazine.

The view was so good for my eyes.

I pressed my lips tightly. Baka maisa-tinig ko ang mga naiisip ko at iyon ang kahiya-hiya.

"Enrico! Halika na rito! May bisita tayo!" sigaw ni lola Rocena.

Ilang sandali pa, may dumating na matandang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, asawa siya ni lola Rocena. He's tan and got some gray hair, too. Kahit may katandaan na rin, maayos ang kaniyang pangangatawan at halatang malakas pa.

"Anong mayro'n? Nakahain na?" aniya, halatang pagod sa naging lakad.

"Oo. Pero magpakilala ka muna sa bisita natin," lola Rocena gestured at me.

Umangat ako sa kina-uupuan ko at binati ang lolo ni Cyron.

"Ako si Lolo Enrico. Asawa ko 'tong si Rocena at apo ko 'yon, si Cyron," turo niya habang nagpapakilala. "Ikaw, hija?"

I smiled. "Jillian po," magalang kong tugon at nag-isip pa ng sasabihin subalit naunahan na ako ni lola Rocena.

"Siya ang kasintahan ni Cyron!" nagagalak niyang sigaw.

Gulat at sabay na napatingin sa akin sina Cyron at lolo Enrico. At this point, parang gusto ko na magtago sa ilalim ng lamesa o di kaya ay kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyan.

Cyron gazed at me with a question in his eyes. He was as if asking me 'what's going on?' or 'why did I say that?' and the likes of questions I would definitely refuse to answer.

Nagbibiro lang naman ako sa lola niya kanina. Malay ko bang ipagsisigawan niya ngayon.

"Kay gandang dalagita, hindi ba?"

"Ay siya nga!" manghang pagsang-ayon ni lolo Enrico. He then smiled at me. "Ikaw pala ang kasintahan ng apo namin. Huli na ako sa balita."

I struggled to respond, so I didn't utter anything and just slapped an awkward smile on my face. Kung saan-saan ko na rin idinako ang aking tingin para iwasan si Cyron na batid kong nakatitig sa akin at nais hulihin ang aking mga mata.

He probably wanted me to communicate with him through eye contact. A kind of telepathy. But sorry, hindi niya ako makukuha sa tingin ngayon. Hindi pa nahupa ang hiya na nararamdaman ko.

"Osya, tayo'y kumain na!" ani Lola Rocena. Agad silang kumilos at pumwesto na sa upuan. "Sumalo ka na sa amin, hija. Maupo ka na," tawag niya pa nang mapansin na wala akong balak lumapit.

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon