GHA Chapter 31I'm back working at the restaurant. Dalawang araw lang ang hinintay ko bago matanggap ulit. Nakakatawa lang na dati hindi ko matanggap ang parusa sa'kin at gusto ko nang matapos agad sa pagta-trabaho ngunit nagbago bigla ang ihip ng hangin.
I'd complain, and afterwards I'd miss the experience. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Actually, Cyron has a part in my decision to stay and leave this work, then come back again. Bumalik na ang allowance ko, I should have left for good, but for some reason, I want to stay here longer.
Not only because of Cyron. May mas malalim akong dahilan. This may sound sentimental, but yes, I found a home working with people I've never imagined I could bond with. Like a real family, they made me feel that I'm always welcome.
Bukod doon, mas mainam na rin maging productive. If I wasn't here working after class, for sure, I would end up locking myself in my room or doing some silly games with my crazy friends again at random places.
"You need more buns?" tanong ni kuya Francis, the head chef.
"Ah yes. Thank you po." I appreciated the help. Mataas kasi 'yung lagayan ng buns. Hindi naman ako katangkaran kumpara sa mga lalaking crew dito.
That's my everyday struggle, aside sa tumatalsik na mantika at mainit na singaw dito sa kusina.
I was frying a burger patties and continued flipping these. Even though there's a nosy audience who appeared suddenly at my side.
"Bakit ka nanonood dito?" taas kilay kong tanong kay Aljohn.
May hawak pa siyang mop kaya ang hinuha ko ay kagagaling lang nito sa labas, kakatapos maglinis o hindi pa subalit nakuha nang manggulo rito.
"Gusto mo ng update kay Cyron?"
"Bakit? Nandiyan lang naman siya."
"Nandiyan nga lang pero kita mo ba sino kausap niya?" Napalingon ako kay Aljohn dahilan upang mapangisi ito. "Uy na-curious."
Napa-irap ako. This guy has a similarity to Jerick. Ma-intriga at mapanukso.
"Wala akong pakialam," bored kong turan. Cyron already told me that he's not entertaining customers, particularly girls with malice or romantic motive.
So... I don't mind him talking with other---
"Si Amira, anak ni Mayor Valtiendaz na sobrang ganda... nag-dine in dito. Siya 'yun, siya 'yung kumakausap kay Cyron."
"Who again?"
"Walang ulitan. Sabi mo wala kang pakialam?"
"I changed my mind."
Napatawa siya, salungat sa reaksyon ko lalo na nang kumpirmahin niya kung sino ang nag-dine in.
"Siya nga. Silipin mo pa. Nasa first floor. Ang dami niyang in-order," pabulong nitong saad.
Tinapos ko muna ang niluluto ko at pinatay ang apoy bago nahikayat dumungaw sa espasyo na tanaw ang counter at dining area.
Hindi ako nahirapan hanapin siya. Kapansin-pansin kasi ang mamahalin at magarbo niyang suot, mahabang buhok at nakaka-irita niyang presensya. True enough, marami ngang binili. Sinakop na halos ang isang table.
Amira bought a food more than she could eat. I don't have a problem with that. Bahala siya roon, ngunit ang matunghayan na si Cyron ang halatang pakay niya rito... ibang usapan na 'yon.
That bitch...
Her moves are freaking obvious! Gumagawa siya ng paraan para asikasuhin siya ni Cyron. Nag-dine in siya at sa dinami-dami niyang in-order na ngayon ay nakalatag sa mesa, iced tea lang ang tanging ginalaw niya.
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...