GHA Chapter 7I'm back as a lazy student again! Well, what's new? Last na naging masipag ako na mag-aaral ay noon pang elementary.
I'm a very diligent student, before. Hindi na naulit. This is called: change for the worst. Tinamad na ako maging masipag. Or maybe, I am just lacking of motivation?
Last semester hindi naman ako ganito. Yes, tamad ako mag-aral pero ganado ako pumasok. But now? I am losing my interest.
Actually, excited akong bumangon sa kama at agad na naligo. I also chose the best outfit for today's class and prepared all my stuffs. Wearing a denim skirt, off shoulder long sleeves top and high heels, I'm pretty obvious that I look so prepared and now ready to go.
Subalit, biglang sumagi sa isipan ko na wala palang dapat ikatuwa. I won't deny na natuwa ako nang malaman na nasa iisang university kami ni Cyron. I want to see him, different from his usual appearance. Kung gwapo na siya sa uniform na suot bilang crew, ano pa kaya 'pag pumorma na siya? Hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon na makita siya roon.
However, all my anticipation suddenly vanished. Hindi sapat na alam kong nasa iisa kaming university ni Cyron para tuluyan akong ganahan pumasok. Mas matimbang ang dahilan ko na tumambay na lang sa mansion at magmukmok buong araw.
Sinong gaganahan pumasok? Wala na ngang kaibigan, wala pang baon na pera. Worse, walang paramdam ang mga magulang ko. Hinihintay ko pa rin hanggang ngayon na bawiin nila ang parusang ibinigay sa akin. Kahit sana ibalik na lang muna 'yung allowance ko, ayos na ako roon. Ngunit, wala, ginigipit talaga nila ako.
Ibinaba ko ang hawak na kubyertos at sumandal sa upuan. Lumingon sa akin si manang Trinidad at agad akong nilapitan.
"Tapos ka na kumain hija?" Tumango na lamang ako kahit ang totoo, nawalan ako ng gana kumain.
"Papasok ka na ba sa eskuwelahan?"
Nagkibit balikat ako. "I'm not sure manang."
"Absent ka na kahapon. Baka pagalitan ka na ng daddy mo 'pag sunod-sunod kang lumiban. Ayaw mo ba talaga sa Areniego City University o masama lang ang pakiramdam mo?"
"Both," tipid na sagot ko habang nakabusangot.
"Mas mabuting magpahinga ka na lang siguro. May trabaho ka pa mamayang hapon." I only nodded. Makalipas ang ilang minuto, sumulpot ang isa pang kasambay at may ibinalita sa akin.
"Nasa labas po ang mga kaibigan niyo ma'am. Hinihintay ka po."
Kumunot ang aking noo sa pagtataka. I'm not expecting them to visit this early morning. Even so, I'm glad that they did. Agad akong tumayo at tinahak ang daan palabas ng mansion. Nakita ko ang nakaparada na kotse at ang sakay nito na sina Jerick at Kyela.
"Surprise girl!" full of energy na bungad ni Jerick na nakaupo sa driver's seat.
"Let's go Chen!" sambit naman ni Kyela na nasa tabi ni Jerick at nakadungaw sa akin. Umarko ang kilay ko sa dalawa. May gala ba kami na pinag-usapan? I'm not aware, or maybe I'm just too preoccupied with my endless complaints so I forgot about that.
"Saan tayo pupunta?" I asked in curiosity.
"Sa Areniego City University. We're going to find a charming and strikingly hot nerd!" nahihibang na sagot ni Jerick at saka tumawa. "I mean, we're going to study there!"
Nalilito pa rin akong tumingin sa kanila. "We, what?" They both exchanged glances then gave me a weird smile. Bahagya akong napangiwi sa inaasta nila. They are the crazy witches in a broad daylight.
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...