Epilogue (Part 1 of 2)
Cyron
"Anong lesson nga 'yung naitanong sa babae?"
"Si Cyron ang tanungin mo, Pablo! Siya ang nag-volunteer sumagot kanina." Nilingon ako ni Gio at nginisian. "Type mo 'yung babae 'no? 'Yung Cojuangco."
"Circular curve, Surveying," I responded to Pablo's query.
Mabuti naisama ko 'yun sa reviewer ko. It wasn't hard to compute as long as you knew the formula. Tinandaan ko rin ang konsepto niyan.
In layman's term, ang curve ay nagagamit o nakikita sa kalsada o mga daanan. It is applied when the alignment of roadway or railway changes its direction due to unavoidable circumstances. Nakakabaliw man isipin pero tugma ito sa sitwasyon ko. Diretso lang sana ang pokus ko, subalit hindi talaga maiwasan na lumiko pagdating sa kaniya.
She was the reason why my mind was not fixed on its decision. Napapabago niya ang takbo ng isip ko. And that was not good...
"Type mo raw ba 'yung babae, Cyron? Curious lang din ako... pero kasi napansin ko tinataboy mo kanina," nag-usisa na rin si Pablo.
"Hindi 'yun dito kaya pinaalis ko. Business Administration ang course niya." That girl... pinakaba niya ako. Mabuti hindi ko kaklase.
"Normal lang na hindi siya nakasagot sa recitation," I added, trying not to sound that I'm defending her and saving her reputation.
"Bilib ako sa lakas ng loob niya, ha. Kung iba siguro ang sinigawan at pinasagot ng gano'n, maiiyak na," namamanghang sabi ni Gio.
Bumalik ulit ang inis ko. Hindi ko alam kung para sa professor namin o kay Jillian. Siguro pareho.
But I'd already warned her. Pasaway. Hindi tuloy ako mapanatag dahil sa nakita kong reaksyon niya. I noticed how embarrassed she was. Hindi niya lang pinapahalata dahil mas nangingibabaw ang maldita niyang itsura.
"Huwag n'yo na siya pag-usapan."
"Okay sabi mo, e... pero type mo nga, pre? Siya ba 'yung tinutukoy mo noon?" balik ni Pablo.
"Naku kung recitation 'to, first time mo walang masagot!" kantyaw naman ni Gio at nagtawanan sila, bagay na hindi ko na pinansin.
Nagtatalo ang isip ko kung kakausapin ko ba siya o hindi. After leaving our classroom, she never made an attempt to approach me until our shift was over.
"Lumabas na siya?" tanong ko kay Aljohn habang pasimpleng tinitignan ang kusina kung nasaan siya madalas.
"Oo. Kaaalis lang."
Nagmadali akong lumabas at naabutan siya sa tabi ng kalsada. Naghihintay panigurado ng masasakyan. I let out a deep breath.
Ngayon lang... kahit ngayon lang kakausapin.
"Huwag mong iiyakan," I told her.
Hindi dapat ako nababahala kung damdamin niya 'yung mga sinabi ng prof namin. But I felt the need to at least remind her that it was okay.
"Hindi mo pa ako lubusang kilala, Cyron," she said, ready to argue.
Hindi nga dahil pahirapan mapalapit sa'yo.
Ang hirap mong lapitan dahil hahakbang pa lang ako, lumalayo ka na.
"Para sa kaalaman mo, hindi ako iyakin."
Napangisi ako.
Kahit ilaban niya, hindi ko papaniwalaan 'yan dahil saksi ako na madalas siyang umiyak noon. Sa bawat araw na nakita ko siya, her tears never left her alluring eyes. Well, even her simplest gesture, I didn't miss noticing it. Kahit simpleng pagluha, paghawi ng buhok, pagtataas ng kilay, at pagkurba ng labi... lahat, napansin ko na.
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...