Chapter 42

3.8K 117 35
                                    


GHA Chapter 42

Love is the most beautiful thing to have, and the most painful thing to lose.

I read it once, and somehow I was convinced. I couldn't risk losing that feeling, especially the person I loved.

I'm glad that Cyron and I fight to hold on and continue with our life together... no matter how hard the situation is.

Sabi nga nila, walang perfect relationship. Struggle is inevitable. Kailangan mo lang pumili ng tamang tao na makakasama mo na harapin ito. And yes, I'm proud of my choice.

Loving Cyron is the best decision I've ever made.

He's too mature to handle challenges in our relationship. Kahit minsan ako na mismo 'yung problema, he would patiently understand me and ready to compromise.

Kaya ngayon na siya ang humihingi ng kaunting pag-unawa sa sitwasyon, I'm giving it in return. Without hesitation.

Hindi na katakha-takha na kahit may argumento kami o kasalukuyang kinakaharap na pagsubok, we still have been together. Pang-walong buwan na ngayon.

And still counting. Well, nothing can tear us apart.

"Aalis kami, Jie. Sama ka? Hatid-sundo tayo ni Daddy," aya ni Xian.

Nabalitaan ko ngang mamimili sila ni Mommy sa mall at mamamasyal na rin.

My Mom is now back for good. Kauuwi niya lang kahapon at sumama ako sa pagsundo sa airport patungo rito sa Areniego. Dito na rin umuwi sina Daddy at Xian kaya kompleto kami ngayon sa mansyon.

One of my priceless wishes has finally been granted.

"May lakad ka?" Pinansin ni Xian ang ayos ko.

"Yup. Next time na lang ako sasama. Uuwi rin ako mamaya, not sure sa oras."

He grinned. "Date ba 'yan? With whom? Still with Kuya Cyron?"

"Yes, brother. Soon you'll have yours," I teased and waved a goodbye.

I went straight to a pastry shop, which was recommended by my friends. I ordered two customized bento cakes as my present to Cyron.

Heart-shaped pareho. 'Yung design ng isang cake ay calendar format; it's the month of October. Red icing 'yung number 28 para ma-emphasize 'yung special date, then the rest of the numbers are in color black.

Sa second cake, wala na akong maisip na design kaya name na lang namin. Naka-engrave sa center ng cake tapos instead na 8th ang nakasulat sa ibaba, infinity sign ang pinalagay ko.

Kaartehan at ka-cornyhan ko talaga. But I know Cyron would appreciate it.

Dapat lang.

At exactly 5 o'clock in the afternoon, nakarating na ako sa napili kong venue. I made a reservation at a restaurant—kung saan kami nagta-trabaho ni Cyron.

I rented a private dining room located on the second floor. Dito ginaganap 'yung mga events, hiwalay sa ordinary dining area. I chose this place simply because I wanted to be in a place that could make us feel intimate, yet familiar and comfortable.

Isa pa, wala na rin akong maisip na ibang lugar dahil one-day preparation lang ito.

I'm very thankful to our manager because, despite the short notice, he allowed this to happen. I'm also acknowledging the effort of my fellow crews members, especially Aljohn and Paula.

Sila ang nag-ayos ng table namin. Naka-set up na rito at may bonus pang number balloon sa wall.

"Aalayan ko kayo ng sweet song, ah," presenta ni Aljhon.

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon