GHA Chapter 17"Ma'am Jillian! Gising na. Tanghali na po!"
"Ugh! So what? Wala akong klase ngayon!" Dumapa ako sa kama at tinakpan ng unan ang aking ulo para hindi marinig ang pambubulabog sa akin ni yaya Rosalie.
Ang sarap kaya matulog 'pag walang klase dahil hindi ko kailangan gumising ng madaling araw.
"Sige po ma'am. Ibalita ko lang sa inyo na nandito ngayon ang daddy mo kasama si Xian."
Napabalikwas ako sa higaan at nawala ang aking antok dahil sa narinig.
"Really?! Kadarating lang?"
"Kanina pa pong umaga—"
"You should have told me earlier! Leave now. Susunod na ako." Nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili at inilabas ko na rin ang simpleng surpresa ko kay daddy.
I haven't told them yet about my first salary. Humahanap kasi ako ng magandang tiyempo para ibalita ito sa parents ko, personally or via video call. Gustong-gusto ko na talaga sabihin at ipakita ang naging bunga ng part-time job ko, unfortunately, may conflict lagi sa schedule ni mommy kaya through phone call lang kami nagkaka-usap at limited pa ang oras.
Kay daddy, inaabangan ko talaga na umuwi siya para personal kong ipakita ang sahod ko na hindi ko pa binabawasan until now. Since I anticipated this moment, I'm already prepared. Kinuha ko na ang sahod ko na nakalagay na sa envelope. Excited akong bumaba at nadatnan sa sala ang nag-iisa kong kapatid na lalaki.
"Xian!" tawag ko. Tumayo siya agad at sinalubong ako.
"Surprise Jie. I'm home!" he exclaimed and hugged me back.
"Last month lang huling kita natin pero parang tumangkad ka na naman?" puna ko na ikinatawa niya.
Oh boy. Puberty hits well on him. Seriously, he looks matured. I'm three years older than him, though he's taller than me.
"Iba ihip ng hangin sa Manila. Kaya ganito," biro niya sabay upo sa sofa.
"Mas fresh hangin dito. See my skin? It's glowing even whiter!" I flexed my face and we both chuckled. "Ah by the way, where's dad? May ibabalita ako."
"Inside his office. He wants to talk to you as well. Puntahan mo muna Jie."
Gusto akong kausapin or sermunan? Bahala na. May good news naman ako, maybe he could spare me just this once.
Iniwan ko na muna si Xian at tumungo sa opisina ni daddy. Naabutan ko siya na may kausap sa cell phone kaya diretso na akong lumapit sa tapat ng table niya at umupo sa upuan.
"Long time no see dad. I have something—"
"I'm talking with an investor Jillian. Could you please wait silently?" saway niya kaya napilitan akong manahimik at mag-adjust dahil mas importanteng tao ang kausap niya ngayon kaysa sa'kin.
Nakabusangot akong naghintay at nang matapos na ang tawag ay binalingan na ako ni daddy.
"Mayor Valtiendaz invited our family to attend on his birthday. It's a formal celebration Jillian. You better prepare now."
"What's the exact date?"
"Today. We're going there around 6pm. You still have time to choose your dress."
Shit. Hindi ako makakapasok sa trabaho. But it's okay, my manager might undestand my excuse.
My major concern is... rush preparation ang gagawin ko! It's not easy to pick an evening dress right away. Same with doing a satisfying makeover and hairstyle that can match perfectly with my outfit and whole appearance. Ugh! Dad doesn't know that kind of struggle!
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...