GHA Chapter 1
Jillian
I stood in front of my full-length mirror and gazed at my reflection. I am beyond satisfied with my look now.
Nakalugay ang buhok ko na umaabot hanggang balikat. Natural na kulot ang dulong bahagi nito kaya hindi na ako nag-abala na ikutin pa para maging alon ang itsura. I only put a light makeup on my face, just enough to highlight every detail of my facial features.
Chinita ang aking mga mata. Kahit hindi sinasadya, nagmumukha akong suplada sa paningin ng iba. Mas lalo na ngayon dahil sa ayos ko.
Tumagilid ako nang bahagya upang makita kung gaano sumakto sa balingkinitan kong katawan ang kulay pula kong dress. Mas nadepina nito ang kurba ng aking katawan.
I look so feminine, a fine lady with class.
I don't know if I will stay like this after the party...
Kinuha ko na ang aking purse at nilisan na ang mansyon. Sumakay ako ng taxi papunta sa Retro bar, isa sa mga nightclub dito sa aming lugar. Pagbaba ko ay nakita ko kaagad ang aking mga kaibigan na kanina pa ata naghihintay sa labas.
"You're late bitch!" singhal ni Jerick.
That's a woman who is trapped inside a man's body. Pusong babae 'yan kaya mas gusto niyang tawagin namin siyang Jerica.
"As usual. Hindi na mababago," tugon ko sabay ngisi.
"Kaya naman pala, pinaghandaan ni Chen ang gabing ito." Pinansin ni Kyela ang kabuuang ayos ko.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang kaniyang outfit. Nakasuot siya ng itim na sleeveless dress. Mas revealing ang kaniya.
Madalas akong mapasabak sa gulo, hindi naiiwasan na nahahatak ang damit ko. Kung ganiyan ang susuotin ko, baka bumaba lang ito sa aking katawan.
Kay Jerick naman ang aking tinignan. Fitted polo shirt na naka-tuck in sa trouser ang kaniyang suot. Hindi siya super pa-girly na bading. Sa pananalita, kilos at tipo ng nagugustuhan ang pinaka clue upang ma-confirm na gay si Jerick.
Gwapo siya, kaso gwapo rin ang hanap.
Kyela and I tried to make him straight, but we failed. Hinarot-harot siya ni Kyela noon at ninakawan ko naman siya ng halik. Hindi niya kami pinansin ng dalawang linggo at halos isumpa na kami ng bakla. Nagkaayos din kami at hinayaan na lang namin ang gusto niya.
"Your eyes Chen! Kinikilabutan ako sa tingin mo!"
Humalakhak ako. "Mas sexy ako. Mainggit ka." Inirapan niya ako.
Napailing ako at inaya na sila.
Hindi na kami hinaharang dahil nasa legal age na kaming tatlo. Dati, iba't ibang strategy ang ginagawa namin para maisahan ang mga bouncer sa bawat bar na napupuntahan namin. Nakakapasok kami noon, pero iba talaga kapag malaya kang makalabas-pasok dito.
Pagbukas pa lang ng double door, bumungad na kaagad ang maingay na tugtugan at hiyawan ng mga tao. Dagsa ang tao ngayon dahil weekend. Mas nakakalibang kapag ganito.
"Nabubusog na agad ang mga mata ko, bitches! Daming gwapo!" tuwang-tuwa na sambit ni Jerick habang tinatahak namin ang daan papunta sa bakanteng couch.
"Calm your ass, bitch," panunukso ni Kyela.
Umupo na kami sa gilid at um-order muna ng light liquor, pang-warm up.
Cocktail ang una naming ininom. Nang maubos, um-order na kami ng puro at matapang na alak. Sinalinan ko ang aking shot glass at agaran itong nilagok.
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...