GHA Chapter 33Cyron could picture himself with me in the future.
My heart melted as it was flared up after hearing his words with utmost sincerity.
Ramdam ko na espesyal ako. Gan'to pala 'yon. You feel it once you knew that you are finally with a right man. He never failed to amaze me and prove that I am right when I constantly reiterate that he's the best and deserving man I've ever met so far.
Umabot na ng tatlong linggo ang panliligaw niya. Actually, hindi ko na rin namalayan dahil nag-e-enjoy ako sa simpleng interaksyon namin, higit sa lahat 'yung pag-uusap namin tungkol sa iba't ibang bagay. Kahit nga walang sense mga tinatanong ko sa kaniya, sinasagot niya pa rin in rational way.
"Hi, crush," tukso ko paglabas sa restaurant.
Out na namin sa trabaho at gaya ng nakagawian, hinihintay niya ako mag-ayos at magpalit ng damit then sabay na kaming uuwi.
"Traffic pala ulit. Punuan pa ang mga sasakyan." Napasimangot ako habang tinitignan ang sitwasyon sa kalsada.
"Lakarin natin?"
"Gusto ko, pero..." I bit my lips, then shook my head. "Huwag na lang." As much as possible, iniiwasan ko na maglakad kami lalo na 'pag gabi dahil bumabalik sa'kin 'yung nasaksihan ko noon. Baka may mangyari ulit sa kaniya, bagay na kinakatakot ko.
"Tara na. Sa ibang ruta tayo dadaan," aya niya para pagbigyan ako.
I was reluctant at first, but since he got my bag and held my hand to go with him, I yielded later on.
Seryosong naglalakad si Cyron. Nasa daan talaga ang tingin habang ako ay hindi mapirmi ang mga mata. Napapatingin kasi talaga ako sa kaniya. Lalo na sa eksena namin ngayon. Hawak-kamay na naglalakad. At ang cute pa dahil bitbit niya sa kaliwang kamay niya ang bag ko.
Minsan hindi ko pinapabuhat ang bag ko 'pag may dala rin siyang bag. He may always insist, but I don't let him carry my bag all the time. Saka ayokong dala-dalawa ang dala niya kung kaya ko naman bitbitin 'yung akin.
"Cyron, saan pala 'to?" tukoy ko sa lugar na dinadaanan namin dahil hindi ako pamilyar.
"Palaisdaan. Dito 'yung bungad at sa distrito ninyo ang dulo nito," he informed and I was astounded upon recognizing the name of this place.
Malawak pala ang sakop ng Palaisdaan. Sa dulo nito ako madalas tumambay noon. Sa lakefront. Ang nilalakaran naman namin ngayon ni Cyron ay sementadong daan. Isang sidewalk na maihahalintulad sa Manila Baywalk na may hile-hilerang lampost at mga halaman.
Ang kaibahan lang siguro ay mas payapa rito at sariwa ang hangin.
"Shit..." I heard Cyron cursed under his breath. "May payong ka?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Bakit ka naghahanap ng payong?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Saka ko lang naintindihan ang nangyayari nang may paunti-unting tubig na pumapatak sa aking katawan hanggang sa napansin ko ang ibang tao na nagtatakbuhan na dahil palakas na nang palakas ang buhos ng ulan.
"Walang masisilungan dito. Tumakbo na tayo sa sakayan," problemadong wika ni Cyron sabay higit sa kamay ko para magpatangay sa kaniya.
But I took my hand off from his grasp and firmly stood on the ground. Huminto rin siya at takha akong nilingon.
"Gusto kong maligo sa ulan." Ngumiti ako. "Saka basa na rin naman tayo at malayo pa ang tatakbuhin natin. Why not enjoy the rain instead?"
Nakipagtitigan ako sa kaniya at sa huli, siya ang sumuko. "How about your things, then?"
BINABASA MO ANG
Getting His Attention (Completed)
RomanceJillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce and playful personality. Gusto niyang patunayan na lahat ng ninanais niya, nakukuha niya. Not until her record got ruined when she met a strik...